Note: Sorry sa grammar. Sorry sa tenses. Sorry sa asdfghjkl.
I so hate you! I love you, too!
Paul was standing there beside the man of the hour, Glenn-- his bestfriend, and the wedding's groom--while his eyes are locked on Cristie as she walks down the aisle full of rose petals. The weather is just fine, hindi mainit at hindi maulan. Tamang-tama for an outdoor wedding.
No, this is not the I'm-inlove-with-my-bestfriend's-girlfriend story. Cristie is not Glenn's bride. Siya ang maid of honor ng kasal-- Jenn's (the bride) bestfriend, Glenn's good friend. And not to mention, Paul's exgirlfriend.
Actually, magkakabarkada silang apat along with three other friends. Kaka graduate lang nila last year. Okay silang lahat, except nung nagkaroon ng mga relasyon within the group. Especially kapag nagkaka-break up-an. Just like Paul and Cristie.
Habang naglalakad si Cristie, di maiwasan ni Paul na mapansin na bagay na bagay ang peach na gown sakanya. Hapit na hapit ang suot na gown sa balinkinitang katawan. Light make up lang din ang inilagay kaya lutang ang natural beauty ni Cristie.
Napansin ni Cristie ang napakong tingin ni Paul sa kanya. "Huh, malas mo lang at pinakawalan mo ko" sabi ni Cristie nang mahina.
Ang lakas ng loob magpakita ulit pagkatapos nyang makipaghiwalay! Sige, not break up but cool off. Pero dun din naman punta nun. Ang kapal lang ng mukha di ba? Siya pa talaga yung may malakas na loob to call it quits.
Five months ago, naghiwalay ang dalawa. Cool off according to Paul, Break up ayon kay Cristie. Actually, mas naimagine pa ng mga kabarkada nila na sina Paul at Cristie ang magkakatuluyan at hahantong sa kasalan. But then, nangyari nga ang break up.
Masama ang loob ni Cristie dahil four months na hindi nagpakita si Paul sa kanya after their break up-- which was initiated by Paul. When Jenn and Glenn asked her to be their maid of honor she immediately said yes. Malas nga lang nya at hindi agad nila nasabi na si Paul ang bestman. Hindi sa idedecline nya ang pagiging maid of honor, pero makita si Paul for that long-- from practices and preparation to actual wedding? Hindi nya maimagine.
And a month ago, while helping for the preparations ng kasal, inexpect na ni Cristie ang pagsulpot ni Paul dahil nga sa role nya sa kasalan. Inexpect nyang magiging akward for both of them kasi nga hindi pa sila formally nakapag usap after what happened. Pero hindi nya inexpect na girlfriend pa rin ang iniisip ni Paul na role nya sa buhay. Bumalik sya as if walang nangyari, as if minor problem lang ang cooling off or breaking up.
Feeling close lang agad? Ang bilis lang makalimot na nasagi nya yung ego ko? Kaloka!
Nagtama ang mga mata nila. Sobrang saya ni Paul na tinitignan sya ni Cristie. Sa isang buwan kasing pagsuyo nya, ni hindi man lang sya nito tinignan ng diretso. Kung may pagkakataon man, magkasalubong naman ang kilay at umuusok ang ilong. He knew he was at fault for not showing up. But he needed space, masyado nang planado ang buhay nya, ang buhay nila. Sakal na sakal na sya sa tingin sa kanila ng mga tao. He needed space and time. And four months was enough. Pero hindi para kay Cristie, four months was too much. She keeps on saying that she hated and hates Paul.
Napawi ang nabuong ngiti sa labi ni Paul. For the nth time, nagets nya ang gustong iparating ni Cristie. Inirapan sya nito at dumiretso na sa assigned seat ng walang lingon-lingon.
Sunod na nagmartsa si Jenn kasama ang parents nya. She looked so beautiful sa wedding gown na sya mismo ang nag design. Kitang kita sa mukha ni Glenn ang kasiyahan. Maluha luha nyang sinalubong si Jenn at ang mga magulang nito.
Nagsimula ang wedding rites at wala sa focus si Paul. Iniisip nya kung paano makukuha ang atensyon ni Cristie. May naisip na sya pero baka pag pumalpak, mas kamuhian sya. Pero yun na talaga ang huling alas nya.