“Paumanhin binibini kailangan na nating umuwi sapagkat may mahalaga akong gagawin ngayon,” ani ko at sinagot n’ya ako ng ngiti.
“Ayos lamang ‘yun, naiintindihan ko,” aniya.
“Ipapahatid na lamang kita sa inyo, kailangan kong dumiretso sa hacienda sapagkat naroroon ang mga pulis para mag-imbestiga,” ani ko pero para bang nagtataka s’ya.
“Pulis? Ano ‘yung pulis at saan sila galing?” sunod-sunod n’yang sagot. ‘Di kasi uso ang pulis dito sa Filipinas.
“S’ya ay pinadala ng France, sa ilalim ng UN para imbestigahan ang pagkamatay ng maraming sundalo sa hacienda,” sagot ko at tumango naman s’ya.
Maya-kaya ay dumating na ang kalesa ko para ihatid si Rose. Inalalayan ko s’ya papasok at ibinilin sa kutsero ang kaligtasan nito kasama ang iba kong hukbo.
Ako naman ay sumakay sa kabayo ko saka umuwi sa hacienda para salubungin si Inspector Diaz.
----------
“General, I’m here under the power of United Nations and United States to investigate the Salvacion Massacre,” aniya saka ko s’ya tinanguan.
“What’s your findings inspector?” tanong ko.
“We found out that one of your soldier was the suspect, they are the one who put the powder to your water tank, we cannot find who’s the person behind it but the suspect, we know who is him, but now he was trying to escape,” sagot n’ya na ikinagulat ko.
“Who’s the suspect?” tanong ko at humarap sa kanya.
“Captain Junicio El Mundo,” diretsong tanong n’ya na mas lalo kong kinagulat.
Paano? ‘E s’ya ang nakahanap ng ebidensya at ‘di n’ya magagawa ‘yun sa kapwa n’ya Pilipino. Si Kapitan Junicio ang Kapitan ng aking hukbo.
“How do you say so?” talagang nakakapagtaka ‘e.“We found out that the evidence he found was buried in a place where no one can find it, based on your soldiers general. Then how could he find it though? Second, I saw a letter in his room asking him to put the powder immediately,” sagot n’ya.
“Thank you inspector, give me some updates when you catch him,” ani ko saka s’ya yumukod at umalis.
Paano naman ‘yun gagawin ni Junicio? Tinatraydor n’ya ba ako? Matapos kong kupkupin ang pamilya n’ya ng tatlong taon dito sa hacienda.
Si Kapitan Junicio ay dating magsasaka ngunit sinunog ng rebelde ang taniman nila. Humingi s’ya ng tulong sa bawat mayayaman sa bayan ngunit walang tumulong sa kanya. Nakarating s’ya sa hacienda at nagbabaka sakali. Pinatuloy ko sila at binigyan ng trabaho bilang magsasaka hanggang sa tatlong taon ang lumipas at ginawa ko na s’yang kapitan.Paano n’yang nagawang bayaran ang ginawa ko ng kataksilan? Pati ang kapwa n’ya ay papatayin n’ya. Siguradong may taong nasa likod nito ngunit nananahimik lamang, siguradong isa s’yang makapangyarihang tao.
“Heneral!” hiyaw mula sa labas na agad kong dinungaw. “Nahuli na po si Kapitan Junicio sa daungan ng San Mendoza sa kabilang bayan,” dagdag n’ya.
“Kailan ang paghuhukom?” tanong ko.
“Bukas daw po ng tanghali sa Munisipyo Del Feliciano,” sagot n’ya saka ko tinanguan.
BINABASA MO ANG
Totally Obssesed (Completed)
Romansa"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pu...