TAHIMIK LAMANG SI JIAYUE habang binabaybay nila ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Maraming gumugulo sa kanyang isipan at isa na nga rito ay ang magiging anak niya. Matatanggap kaya ito ng asawa? Paano nalang ito kung magkakabalikan na ang asawa niya at si Shin? Lalaki ba itong walang ama?“Whatever happen, aalagaan kita anak,” Bulong niya sa isip habang hinihimas-himas ang impis pang puson.
"Andito na tayo." Boses ni Yushan ang bumasag sa kanyang pagmumuni-muni.
"Sa-salamat sa paghatid." Sambit niya sa mahinang boses. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng kotse nito.
Bakit parang bumibigat ang dibdib niya? Parang hindi niya kayang pakiharapan ang asawa ngayon. Naroon din ang takot sa kanyang dibdib na baka wala na naman siyang madatnan sa bahay nila. Bakit kasi hindi siya masanay-sanay dito?
"Ah, Jiayue..."
"Hmm?" Tugon niyang hindi na nag abalang lumingon pa.
"If you need my help,” Anas ng kaibigan."Don't hesitate to call me, aright?"
"Thanks." Sumilay ang ngiti nito ng lingunin niya kaya ngumiti nalang din siya rito.
Siguro kung nauna lang na dumating sa buhay niya ang binata ay ito na ang kanyang minahal. Gwapo rin naman ito, mabait at halos lahat yatang katangian ng lalakeng hanap niya ay na kay Yushan na. Sana nga ito na lang ang minahal niya. Sana hindi na lamang siya nagpadalos-dalos sa desisyon niya noon. Sana hindi siya nabulag sa pagmamahal niya sa asawa.
Lumapit siya sa binata at niyakap ito upang maibsan ang bigat sa kanyang kalooban.
"Geh, pasok na ako. Ingat ka pauwi ah. Salamat uli." Ngiti lang ang naging tugon nito at pinasibad na ang sasakyan. Saka palang siya pumasok nang mawala na sa paningin niya ang kotse nito.
"Thanks god. You're fin'lly home!" Bahagya pa siyang nagulat nang pagkabukas niya sa main door ay boses ng asawa ang agad na bumungad sa kanya. Mahigpit siya nitong niyakap na para bang isang taon siyang nawala. "Sorry kung hindi kita nabalikan sa office kanina nagkaroon lang kasi ng emergency."
''Yeah, emergency'ng nagkita kayo ni Shin at nagkatuwaang magdinner together habang ako malapit ng maubos ng mga lamok kakahintay sa taong wala naman palang balak na balikan ako.'' Hiyaw ng kanyang isip bago kumalas sa pagkakayakap nito. Nagtuloy-tuloy siya sa kusina para uminom ng tubig.
"Okay lang. Alam ko naman kung bakit eh at tsaka hinatid naman ako Yushan." Tugon niya rito matapos makainom ng tubig. Hindi na niya binigyang pansin ang pagtiim-bagang nito pagkarinig sa pangalan ni Yushan.
Ayaw na niyang umasang nagseselos ito dahil mulat naman ang mga mata niya kung sino ang totoong mahal nito.
"Kumain ka na ba? Com'on, I've cook for you." Umikot ito sa kanya at nag-set ng plato sa dining area. Napataas naman ang kilay niya rito.
What is he up to? Acting as a good husband?
Oo nga naman. Hindi nga pala nito alam na nakita niya ito kanina sa restaurant at masayang nakikipagharutan kay Shin.
"Hindi ka pa kumain?" Hindi niya napigilang itanong.
"Yup. Nagpromise ako sayo diba?"
Liar. Napakasinungaling niya!
"Yeah. By the way, I'll just go upstair and change my clothes." Paalam niya rito. The longer she stay, mas lalo lang siyang nasasaktan.
"Sure sweetheart. I'll wait you here," Malapad ang ngiting binitawan nito.
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
RomantizmMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...