Untitled

3 0 0
                                    

Pag-agos ng tubig sa gripo ang aking nadirinig
Mga salita ni nanay na masakit para sakin
Dahil alam kong ako yung nagkulang at nagkamali
Ang banyong kinalalagyan ko ang naging sandigan

Anong mali, ano bang kulang
Mga katamaran, mga kabiguan
Kadramahan sa buhay
Parang gusto ko nanag mamatay

Akala ba nila palatawa ako
Kala ba nila wala lang sakin yung lahat ng yan
Hindi, pinili ko lang hindi tingnan
Ipinagsawalang bahala ko lang

Kala ko icocomfort ako
Ano bang aasahan ko
Edi mapagalitan tanga kasi ako
Haha.. ang sakit ayoko na

Mahina ako friend kung alam mo lang
Sensitive ako friend kung alam mo lang
Paranoid ako friend kung alam mo lang
ML at pagbabasa lang yung naging sandigan ko tuwing umaatake yung depression ko

Nawawalan na kasi ako ng gana
Tinutuloy ko lang to, kasi utang ko to sa kanila
Kung wala nga lang umaasa sakin
Baka matagal na kong tumalon sa bangil

Di siguro nila napapansin, depress
ako
Di nila siguro pansin wala na kong gana
Pagbabasa, pagsusulat ang naging daan
Para itong isipan ko ay kumalma

Di ba nila pansin hirap ako sa pagsasalita
Di ba nila pansin na hirap akong ilibas yung nararamdaman ko
Na sa bawat kausap nila sakin
Nabablangko nalang bigla ying ulo ko

Alam ba nila king bakit cellphone ang lagi kong hawak?
Kasi dito nalang ata ako nakakaramdam ng saya
Saya na nakakawala ng problema
Isang pandaliang kaligayahan ika nga

Expressing My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon