KABANATA 10

30 6 3
                                    

“Heneral! Heneral! Ipinapatawag po kayo sa isang pulong sa munisipyo ngayon,” tawag sa’kin ni Juan.

Katanghaling tapat magpapatawag sila ng pulong. Baka wala na namang kwenta ang pulong na ‘yun.
“Ihanda mo ang aking kabayo,” utos ko.

Limang araw na ang nakalipas mula noong barilan. Mabuti at gumaling na rin ang sugat ko sa braso. Balik na naman sa normal ang lahat sa bayan.
“Heneral, nariyan na po ang inyong kabayo,” ani ng isang sundalo.

Agad akong lumabas at sumakay. Papalayo na ako mula sa tarangkahan ng hacienda ng tumigil sa harap namin ang isang itim na kalesa at iniluwa n’un ang isang magandang binibini, si Rose.

“Eduardo, may sasabihin ako,” aniya habang nakangiti.

“Ano ‘yun aking binibini?” bumaba ako sa kabayo at inilahad ang kamay ko. Tinanggap n’ya ang kamay ko saka ko hinalikan ‘yun.

“Sinasagot na kita,” napatigil ako sa sinasabi n’ya.

“Totoo ba ‘to?” para bang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko talaga alam kung tatalon ako sa tuwa.

“Napatunayan ko sa aking sarili na ang puso ko ay tangan mo,” halos maiyak ako sa narinig ko. Naghiyawan naman ang mga sundalong kasunod ko.

“Hindi ko mabatid ang aking nararamdaman sinta, magkita tayo kung saan una kitang nakausap,” muli akong sumakay sa kabayo at nagpatuloy sa pagtahak ng daan patungong munisipyo.

----------

Sinalubong ako ng mga sundalo na nakasaludo pagbaba ko ng kabayo. Bawat sulok ng munisipyo ay may sundalo maging na rin ang plaza at kalapit na gusali nito.

“Bakit ang daming sundalong amerikano ang nakakalat?” tanong ko sa isang sundalo roon.

“Heneral, naririyan si General McArthur,” sagot nito.

Ano namang ginagawa at dumaong dito ang heneral ng Amerika. May plano na naman ba sila? Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa mga daan ko ay sinasaludo ako ng mga sundalo.

Halos magulat ang lahat ng buksan ko ang pinto ng silid-pulungan, “What’s happening on here?”

“General, we are here to help your town,” sagot ng katabi ni McArthur.

“General, we have plans to defend your town and it will help us to fight with Japanese,” ani McArthur.
Lumapit ako sa lamesa at may mapa roon ng Corrigidor at ng San Feliciano.

“We already have Corrigidor, now they are planning to get it again but before that, they want to corner us in the corrigidor, now we will send my men to attack San Mendoza because there are some Japanese there, it’s better to lockdown your place general,” paliwanag ni McArthur.

“There are some Japanese attack in our town like the Salvacion Massacre, Junicio said that General Diaz was one of the suspect,” ani Douglas na naririto rin.

Si sir Douglas na nagpakilala sa’kin kay Rose noong pulong sa Plaza Del San Feliciano. Katabi ko s’ya n’un at ngayon kasama s’ya sa pulong bilang makapangyarihan sa bayang ito.

“But why did you believing devil’s tongue?” singit naman ni Kapitan Henry.

“I’m just saying some infos, why you look so guilty captain?” sagot naman ni Douglas na nagpapungay ng mata ni Kapitan Henry.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon