PART I ENDING
Angeles City
[ A Storm Is Coming | Tommee Profitt ]Lock the doors and board the windows
Nasa kalagitnaan kami ngayon ng biyahe. Hindi ko alam kung saan sila pupunta, basta sinusundan lang ni Raymond yung kotse ni Alastair. Ayoko naman mag tanong dahil na bu-bwiset ako ngayon sa pag mumukha ni Alastair. Ilang oras na kaming nag ba-biyahe, walang tigil, hindi ko nga alam kung nasaan kami ngayon. Basta ang alam lang namin ni Raymond ay sundan sila Alastair dahil alam nila yung pupuntahan. What a Plan.
A storm is comin'
"Okay, saan ba talaga sila pupunta?" tanong ko na medyo napipikon na habang hinihinaan yung tugtog para magkarinigan kami. Alam kong masyado akong madamdamin —okay hindi masyado, sobrang madamdamin na ako— pero 'eto talaga ako. Lalo na kung yang 'Nakakatanda' kong kapatid ang pinag uusapan. "May balak ba silang pakainin muna tayo kung saan?"
"Sabi nila alam nila kung nasaan si Hukluban," sagot ni Raymond habang nag da-drive. "May pagkain diyan sa bag, baka nagugutom ka, masyadong mainit ulo mo. Kumain ka muna." biro niya.
Nakakainis, nag-tataka din ako sa sarili ko bakit ang init-init ng ulo ko ngayon. I mean, may karapatan naman ako na mag init ulo ko dahil sa ginawa ni Alastair na katarantaduhan at sa mga sinabi niya, ugh, hindi ko lang akalain na magagawa niya na mangdamay ng bata, alam ko nasabi ko na'to ng ilang beses pero parang hindi ko na kilala yung tunay na ugali ni Kuya. Kuya ko paba siya?
"Hinde, ayo— agh." Napahawak ako sa puson ko nang biglang humilab. Bakit ngayon pa? Kaya pala ganito yung mood ko! Shemay!
"Bakit? Bea, ayos ka lang?"
"Itabi mo— kailangan ko mag banyo. Please." Sheet! Ang sakit! Sa dami ng nalaman at nakita ko nitong mga nakaraang araw hindi ko namalayan na may dalaw pala ako ngayon. Ugh! Bakit kailangan pa dumating yung araw na 'to. "Paki sabi kay Kuya bilihan niya ko ng napkin!"
Pag-tigil ng truck ni Raymond, agad akong lumabas habang hawak yung tiyan ko. Lumingon lingon ako kung saan-saan para mag hanap ng banyo, may nakita akong restaurant sa kabilang kanto. Walang sabi-sabi bigla akong tumawid at nagmadaling pumunta sa restaurant kahit andaming sasakyan na nag sisidaanan.
"Restroom? Banyo?" tanong ko sa may counter ng restaurant. Naguguluhan siya pero tinuro niya kung saan, at agad naman akong tumakbo papunta duon.
Pag kapasok ko sa banyo, agad akong pumasok sa isang cubicle saka sinarado yung pintuan. Pag hubad ko ng pambaba ko napangiwi ako nang makita yung underwear ko. Umupo ako sa bowl saka nag pigil nalang ng sigaw sa sobrang sakit, habang hawak yung tiyan ko. Ilang oras ako dito, ayoko na tumayo.
"Bea, ayos ka lang?" narinig ko na tanong ni Alastair sa labas. "Eto yung napkin na pinapabili mo." Inislide niya sa ilalim ng pintuan yung plastic bag, agad ko namang kinuha, pagtingin ko sa loob ng plastic.
"PHUTA KA! NAPKIN! HINDI TISSUE! ANONG GAGAWIN KO DITO?!" Sheet! Ansakit pag sumisigaw ako. Kalma lang, kalma lang, Bea. Kapatid mo yan, hindi mo gugustuhin pag napatay mo siya na may dalaw ka, magiging madugo ang lahat. Literal na dugo.
"Tissue napkin yan. Ano bang gusto mo? Yung naka roll?"
"Gusto ko? LUMAYAS KA DITO! Tawagin mo si Raymond!" sigaw ko. Saka naman narinig ko na lumabas siya. Buwiset kasi. Bakit ngayon talaga ako magkakaroon? Kung kelan may alam na si Alastair para mahanap na namin ni Papa.
BINABASA MO ANG
Philippine Gods
Fantasy"Maghanda ka sa paparating na bagyo- at mahuhulog ka sa gitna nito. Ilang taong pangungulila sa kanyang asawa, gagawin lahat ni Markus ang lahat upang maibalik lang ang oras at mahagkan muli ang pinakamahal niya. Manhid at walang takot sa kung ano m...