Ang Mensahe ng Reyna
para sa isang kawalBuwan na ating natatanaw sa kalangitan, kay sarap mong pagmasdan.
Puti na laging nagniningning na mahirap kalimutan, hanggang sa panaginip ikaw at ikaw lamang.
Iyong ganda'y walang katumbas,
ikaw lang ang nais makita sa aking pag labas.
Lahat man ng pinto ako'y pinag saraduhan, isang ilaw padin ang aking malalapitan.
Parang kailan lang tayo ay magkasama at nagtatawanan, ngunit ngayon wala kana at nasaan?
Bakit ikaw pa ang napili at pinilit ilayo sa akin? Kahit ilang segundo o minuto, oras o araw, linggo o buwan.
Taon parin ang hinintay upang ikaw ay mahagkan.
Pinunit ko ang talaarawan at salitang 'Pagsuko' ang naging dahilan.
Sa huli ay aking napagtanto na nanaginip pala ako. Aking mga pangarap ay nagsimulang maghingalo,
ngunit ang pag ibig ko sayo'y hindi maglalaho.
Nais ko lamang ay ang iyong mga yakap.
Gasuklay na hugis ng iyong mga ngiti
at mga balintataw na may kalungkutang nakakubli.
Isang nalilingid na damdamin,
aking minimithi ako'y patawarin.
Handa akong tanggapin anumang sakit, Mamahalin parin kita kahit ako'y nakapikit.________________________________
___________________________________
MGA KARAKTER
Si Reyna Tora at si Roman Gilkahan
__________________________________
Si Toradel at Si Eron Ismael
____________________________________
Si Toradel at Si Nathaniel
pictures that are showed above are from an app only..
Photos that I edited back in 2018
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bianf.avatars.couple.dance
_____________________________________
Reyna Mantilya Tora del Eorpienta
a drawing that I made
(February 2020)
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...