Chapter 16
KATH's POV
One month later....
Nakalipat na pala sina DJ ng bahay. Nakakapagtampo na nga eh kasi mag-iisang linggo na syang hindi nagpapakita at nagpaparamdam sakin. Nagpapadala nga siya ng sweets at notes pero hindi ko yun kelangan eh. Siya yung kelangan ko.
Sa school naman, madalang lang kami mag-usap at magkita kasi nagiging busy na sa academics at activities.
Wala na talaga kaming time sa isa't isa :( hayy nako. Gusto kong umiyak..
"Baka naman kasi may importante lang syang ginagawa", sabi ni Joyce na siyang kumakain ng sweets na bigay ni DJ.
"Ginagawa? Eh pwede naman siguro syang tumawag o kaya magpakita kahit saglit lang". Nagtetext nga siya pero mga good morning at good nights lang. GM pa nga ata yun.
"Siguro, nakalimutan na ko nung taong yun", dugtong ko.
"Naku girl. Wag kang nega. Baka may pakulo lang yun", si Bea.
Ano namang pakulo?! Magpapamiss siya ganon?!
"Oo. Nagpapamiss lang yon", aba! Joyce, mind reader ka na ba ngayon?
"Sobrang effective na nga oh. Miss na miss ko na siya". Nakakalungkot talaga. Nanlalamig na ba siya sakin at naghanap na ng iba? Aynakopo.
Si Julia pala.. Ayun, hindi parin namamansin. Parang hindi nga ako kilala eh.
May bago na nga siyang kasa-kasama. Si Bianca. Yung napakataray na feeling artista dito sa campus eh wala namang alam pagdating sa pag-aaral. Tsss.
Makapag-twitter na nga.
"Wag masyado magpamiss. Baka kapag nasobrahan mo, makalimutan ka na ng taong mahal mo"
--- Tweet Sent
-----------------------------------------------
DJ's POV
Kasama ko sina Niel, Kris at Diego ngayon dito sa *tut*.. (Bawal sabihin xP)
Kasi, may hinahanda kami. Isang malaking event na siguradong magpapakilig sainyo. Hahaha joke. Basta, importanteng event na babaguhin ang takbo ng buhay ko.
"Siguro mas maganda kung dito natin ipupwesto yung table". Sabi ko kina Diego at Niel na binubuhat ngayon yung table.
"Ahy hindi pala. Sa left nalang"
"ahhh. Sa right..."
"Ish hindi!! Sa center nalang.. Yan"
"Hindi eh. Parang mas maganda kung sa dati nalang"
"Saan nga ba talaga pare? Kanina pa kami pabalik balik oh". Reklamo ni Diego
"Kasi... Kinakabahan ako. Baka hindi nya magustuhan to", sabi ko at umupo ako sa may damuhan.
"Loko ka pala eh. Wala nman kasi yan sa ayos. Sigurado ako, magugustuhan nya yan. Effort pa nga lang oh, pasado kana!". Iba talaga magsalita tong si Diego. Convince na convince ako. Hehe.
"Alam mo pare, tama ka. Kaya ko to. Basta para sakanya". Tumayo uli ako at muli ng nagtrabaho.
Pagod na pagod na ko. Kanina pa namin tinatrabaho to eh. Ang totoo nyan, mag-iisang linggo ko na tong tinatrabaho. Ngayon lang ako nagpatulong.
Hindi ko na nga nakakasama si Kath eh. Sigurado, nagtatampo na yun. Siguro nga galit na yun sakin.
Nag-break time na muna kami para makapagpahinga din.
Check ko nga twitter ko.
New tweets available
@bernardokath "Wag masyado magpamiss. Baka kapag nasobrahan mo, makalimutan ka na ng taong mahal mo"
Hala!! Wag naman sana niya akong kalimutan.
Promise Kath. It'll worth it. Lahat ng to, lahat ng mga oras at panahon na wala ako sa tabi mo, mapapalitan yan. Pangako!----------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Knows No End (Completed)
FanfictionFighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?