Daniel's POV
Papunta ako ngayon kay Sofia. Sobra sobra yung ginawa niya kay Kath. Pero wala namang ginagawa na masama si Kathryn sa kanya eh. Wala siyang karapatan na gawin yung kay Kath. Ewan ko ba kung bakit ganito ako magalala kay Kath. Siguro dahil babae siya at kaibigan ko siya.
Ayun! Nakikita ko na si Sofia. Kausap niya yung mga kaibigan niya.
" Oh! Daniel! Naisip mo na ba na ako ang dapat na pinili mo?" tanong niya. Aba kapal ng mukha nito ha!
" Pwede ba tayo magusap?" tanong ko sa kanya. Mahinahon lang yan ngayon. Mamaya magsisigawan na kami neto.
" Sige wait lang. Uhm girls una na kayo. Susunod nalang ako." sabi niya at sumama na sa akin. Andito na kami ngayon sa isang vacant na classroom. Ginagamit lang to kapag may mga practices in short hindi siya pang klase.
" Bakit mo yun ginawa kay Kathryn? " tanong ko sa kanya
" Kasi hindi kayo bagay. She is nobody and you are somebody Daniel." sabi ni Sofia. Anong nobody, somebody ang pinagsasabi ng babaeng to?
" Wala akong pake sa ganyan. Gusto ko malaman kung bakit kinailangan mong sampalin si Kathryn?" tanong ko ulit sa kanya.
" Dalawa lang naman ang rason ko dun eh. Ayoko sa kanya at akin ka lang. Hindi ka niya pwede agawin sa akin. Dahil akin ka lang Daniel. Akin ka lang." sabi niya at tinuro turo ang sarili niya.
" Pwes hindi na dahil hindi mo na ako boyfriend, diba nga sabi ko sayo kaninang umaga na break na tayo. Uso mag move on diba?" sabi ko sa kanya.
" Bakit ka ba nakipag break sa akin? ha? At si Kathryn pa ang ipinagpalit mo? Anong meron siya na wala ako?" sunod sunod niya na tanong.
" Hindi ako sinasakal ni Kathryn. Kahit kakakilala ko palang sa kanya alam ko na agad na mabait siya. Hindi katulad mo na nung una tayong nagkita naging plastik ka kasi andun sila tito at tita. Pero habang tumatagal sinasakal mo na ako. I like her because she's not you." sabi ko sa kanya. Naluluha na nga siya eh.
" Ang sama mo! Ang sama sama mo!" sabi niya at pinagpapalo ako sa dibdib.
" Sofia, hindi ako ang para sayo. Marami namang iba dyan eh. Marami ang nagkakagusto sa iyo. Sorry pero I have to let you go." sabi ko at binitawan ang mga kamay niya.
" Naiintindihan ko. Pakisabi kay Kathryn sorry sa ginawa ko sa kanya. Okay, I'm letting you go for now. " sabi niya sa akin. Pero hindi ko narinig yung huli nyang sinabi. Wala lang naman siguro yun.
"Thank you" sabi ko sa kanya.
" I have to say goodbye muna. Lalayo muna ako para makapag move on ako sayo. Goodbye Daniel." Pagkasabi niya nun lumabas na siya ng kwarto.
Yes! Malaya na ako kay Sofia!!! Bumalik ako dun sa pwesto namin ni Kath ngayon. Andun pa rin siya pero may earphones siya sa tenga. Napagisipan siguro na mag- soundtrip muna. Lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Maganda talaga si Kathryn, mabait din, matalino at talented. Pinagmamasdan ko pa rin siya ng may biglang nagsalita sa likod ko.
" Matunaw na yan bes." Si Zharm pala.
"Ano ginagawa mo dito diba may klase pa tayo? " tanong ko sa kanya.
" Biglang nagka emergency meeting yung mga teachers. Kaya Free time tayo whole day." sabi niya at lumapit sa amin ni Kath.
" Eh yung barkada?" tanong ko
"ayun nag-kwentuhan sa classroom. Kamusta naman si Kath? Nabalitaan ko yung nangyari kaninang umaga." tanong niya sa akin habang nakatingin sa di kalyuan
" Ayun mukhang okay na yung sugat niya sa mukha. Teka nga lang gisingin ko muna." sabi ko at tinapik tapik ko yung pisngi ni Kath.
" Ay! Deej andyan ka na pala. Oh Zharm anong ginagawa mo dito?" tanong naman niya kay Zharm
" Free time! O sya lika na punta na tayo ng classroom." sabi niya at umalis na kami ng park.
Kath's POV
Andito kami ngayon ng barkada sa classroom nagtatawanan sa kakornihan ng mga pickuplines ng boys. Sa kanilang lahat si Neil ang pinaka korny! haha! Grabe kung makabanat kay Yen eh!
" Eto ako ha! Neil ANCHOR ka ba?" tanong ko sa kanya
" Bakit naman? Hindi naman ako mabigat ha!" sabi niya sa akin. Hahaha!
" Hindi ka naman mabigat eh! ANCHORny mo lang talaga!" sabi ko. At humalakhak ang barkada sa tawa. Kung nakikita niyo lang sana yung mukha ni Neil ngayon sosobra na yung tawa niyo!
" Ang sama mo Kath! Dj ikaw na nga sunod!"haha! halatang inis na inis na siya,
" Okay * ehem* Kath kotse ka ba?" tanong niya. Anong klaseng pick up line yan?
" Bakit?" tanong ko. Ewan ko ba naman kung ano yung sagot dyan.
" Kasi mainit yung araw." Huh? ano daw??? "
" walang konek diba? Pero tayo meron. (insert killer smile) " sabi ni Deej.
" Uy si lukaret namumula na!!!! Hahahahahaha!!!!" sabi naman ni Kiray. Eh sino pa ba?
" Kath!! Kinikilig siya!!!!" sabi ni Aria. Opo tama po kayo andito na si Ms. Aria Clemente. Lumipat na siya diba?
"Che! Manahimik na nga kayo! lika na punta tayo ng canteen! Nagugutom ako!!!!" sabi ko sa kanila
"Naugutom ka Kath o naglilihi?" tanong ni Diegs
Binatukan ko nga! Ano ba naman kasi pinagiisip nitong mga to!
"Lika na nga at nagugutom na ang prinsesa" sabi ni EJ at tumayo na
"Oo nga! Hindi pa naman magandang kausapin yan lalo na kapag gutom! Hahahaha!" sabi ni Bes.
Pagkatapos nun pumunta na kami ng canteen at pumunta dun sa table namin.
" Kath ano sayo?" tanong ni Deej
"Ano nalang, burger, fries, cheesecake, regular coke, ice cream tapos fried chicken. :)" sabi ko sa kanya
" Kath ang dami! May ka share ka ba dun?!" tanong niya
" Anong ka share akin lang yun noh!" sabi ko sa kanya at pinagtutlak siya papunta ng cashier andun na kasi sila Neil eh.
Nagkekwentuhan kami ng mga girls ng bigla nang dumating ang mga boys. Kakagat na sana ako sa burger ko ng may tumawag sa akin.
" CHANDY!!!!!!!!!!!!" sabi nung lalaki na tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.
O_______________________O
ANONG GINAGAW NIYA DITO?!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hey guys! Marami pong charcters na papasok dito.
Sino kaya yung lalaking yun? At bakit parang ayaw siya makita ni Kath?
Please vote, comment and fan me!
Follow me on twitter: @thekulsatype
~brightside26
BINABASA MO ANG
Make it shine (KathNiel)
Hayran Kurguwill you be able to MAKE IT SHINE kapag inasahan aang tulungan ang isang kaibigan?