Nagmahal ka? Nagmahal din ako.
Umasa ka? Umasa din ako.
Nasaktan ka? Nasaktan din ako.
Wala tayong pinagkaiba kaya manahimik ka.
Huwag mo akong sisihin dahil may kasalanan ka rin.
Huwag mo akong pagbuntunan ng galit mo.
Nagkamali ako? Ganun ka din naman.
Huwag kang magmalinis.
Lalo ka lang nakakainis.
Kung ika'y nabigo, ganun din naman ako.
Basag ang puso mo? Bagsak ang mundo ko.
Ba't ba ang hirap para sa iyo?
Na tanggapin ang katotohanang ito.
Na kasalanan mo at kasalanan ko.
Wala nang ibang dapat managot dito.
Ikaw lamang at ako.
Ba't kailangang isisi sa iba.
Ang kasalanang di nila ginawa.
Mapagmataas ka lang kasi.
Kaya di maamin sa sarili.
May nagawa ka ding pagkakamali.
Bat di mo na lang kaya tanggapin.
Kung nawalan ka? Bakit? Ikaw lang ba?
Pareho lang tayo, diba?
Ano mang nararamdaman mo.
Nararamdaman ko din.
Sinasabi ko sa iyo, pareho lang tayo.
BINABASA MO ANG
COLLECTION OF POEMS
PoetryAll the short poems here are my original compositions. If there is any resemblance to any literary pieces forgive me but all are just coincidences. Each poem is independent from the others. There are no connections between them. You can freely skip...