I.D (One Shot)

59 4 2
                                    

'I.D'
Pagod na pagod si Sunny. Mula sa eskwela,pauwi siya ngayon sa bahay nilang nasa may squatter area. Maulan ang panahon kaya naman maputik ang daan na bakas pa sa luma at sira sira niyang black shoes. Maya maya sa paglalakad ay narating na din niya ang kanilang bahay. Putik putik din ito at gawa sa Yero at pinagtagpi tagping Kahoy at tela. Nang makapasok siya sa pinto nilang wasak wasak na kahoy,pinasadahan niya ng tingin ang looban ng bahay nila. Maputik,makipot,makalat at may mga nagtatakbuhan pang daga at ipis. Napabuntong hininga siya habang naglayag ang isip niya, Pangarap niyang maiahong ang pamilya niya sa hirap,mapag aral ang walong kapatid,at mabigyan ng mas maayos na bahay ang mga magulang. Matalinong bata si Sunny at sa katunayan ay palagi itong nangunguna sa klase bagamat sakitin ay madaling makahabol sa mga aralin. Pero sa kabila non,malas ang turing sa kaniya ng mga magulang. Dahil nga sakitin siya,madalas siya ang kinagagastusan. Wala ang ama niya at mga kapatid,malamang ay nasasugalan ang ama niya at pakalat kalat ang mga kapatid niya kasama nito. Hindi kasi umubra ang tatay niya sa nanay niya. Ang Ina niya naman ay hindi niya alam kung nasaan,siguro nagsusugal din. Dahil nga umuulan,dinalaw si Sunny ng antok at nahiga niya ang sarili sa papag nilang basa din dahil sa tulo mula sa bobong. Naidlip si Sunny ng magising ng maramdaman niyang nagvibrate ang keypad niyang telepono at nagulat siya ng makita ang sunosunod na mensahe mula sa ina. Babasahin niya pa sana ito ng makita niya ang inang tumatawag kaya dali dali niya iyong sinagot.

"M-ma,pa-pasensya na po nakatulog ako,marami po akong gi-"
Naputol ng ina niya ang sasabihin niya sa mga mura na galing dito.
"Maraming ginawa! lagi ka nalang maraming ginagawa! ang sabihin mo ay tamad ka lang! Malas ka! kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi ka sumasagot dahil sa katamaran mo! Bwisit! Pumunta ka dito sa may pawnshop at bilisan mo! nagutang ngutang pa ako sa mga tiya mo para lang maipagamot kang malas at tamad ka! anong oras na! magsasarado na ang pawnshop! bilisan mo!"
Sa takot niya ay agad siyang nagmadaling pumunta sa pinakamalapit na pawnshop at nakalimutang basahin ang mga text ng ina.

Dumating siya sa pawnshop ng basang basa.

"Nay.." tawag niya sa ina na medyo umaliwalas ang kaninang salubong na kilay nito.

"Sa walas ay dumating ka na! kahit kailan ang tamad mo talaga! Malas ka pa!" Hindi nito alintana ang mga nagdaraanang tao. Hindi niya ito pinansin. Sanay na siya.

"Asan ang I.D ko?" at dito na siya natigilan at napatingin sa ina.

" A-ano pong I.D inay?"

"Anong I.D?! Hindi mo dala ang I.D ko?! akala ko ba ay matalino ka?! bakit ang bobo mo?! Sa tingin mo ba ay papupuntahin kita dito ng ikaw lang?!tanga! kanina pa kita hinihintay at ngayon na nanditp ka wala kang dalang ID?! bumalik ka don! punyemas!  napakatanga mo!"

Bumalik si Sunnyng nagmamadali sa bahay nila para kunin ang I.D ng Ina. Ilang oras na ang nakakalipas at hindi pa din bumabalik si Sunny. Mas lalong nainis ang ina.

"Nasan na ba ang batang iyon?! napakamalas talaga! baka natulog na naman ang tamad!"

"Ah..Misis mukhang hindi na babalik ang anak ninyo. Kanina pa ho tayo nagiintay pero wala talaga. Nag overtime na kami."

"Sandali nalang yon manong! Inatyin natin kahit ilang minuto nalang." Pakiusap nito sa guard

Naghintay pa sila ng ilan pang minuto nang may tumawag sa Guard na mayroong na aksidente sa may tulay kaya kinailangan na nilang umuwi dahil na din sa trapiko. Walang nagawa ang ina kundi ang umuwi nalamang na mura pa ng mura sa daan.

"Ano ba manong?! antagal naman niyan! bakit ba kasi may traffic dyan?!"Iritado nang tanong nito sa tricycle driver

"May naaksidente ho kasi sa may tulay" tugon naman nito.

Nang nasa may tapat na sila ng pinangyarihan ng aksidente ay may napansin siya kaya ipinatigil niya ang tricycle.

Bumaba siya at kumalabog ang dibdib ng makitang pamilyar na damit sa na punong puno ng dugo. Hindi niya napansing lumapi siya dito kaya't nasita siya ng pulis.

"Misis pasensya na po pero hindi po tayo pwedeng makiusisera sa aksidente."

Nang mapansin ng guard ang pagkatuliro nito ay nagtanong ito "Misis kilala niyo po ba ang naaksidenteng bata? Ayon po sa driver na sugatan lang ay nagmamadali ito dahil sinabi ng batang naghihintay ang ina nito sa kaniya at kailangang makapunta agad sila sa pawnshop kaya hindi napansin ng driver na may mabilis ding Truck na nagmamadali din. Tumilampon daw a-"
Napahinto ang pulis nang makita ang likidong tumulo sa mata ng babae.

Tiningnan ang hawak at nagpabalik balik dito at sa babae ang paningin.

"Naniniwala po akong kayo ang nagmamay-ari nito." Inabot nito sa babae ang bagay at nanlumo at halos gumuho ang mundo ng ina sa nakita.

Ang I.D niyang pinakuha niya sa anak,Ang I.D na dahilan kung bakit minura niya ng minura ang anak,at ang I.D niya na naging dahilan ng kamatayan nito.

I.DWhere stories live. Discover now