DANCE THROUGH THE BEAT OF MY HEART
by Jirah Grace C. Bacongco |
- What if one day, ma-realize mong mali ang pagsakit mo sa kanya?
- kung isusuko mo lahat para sa kanya pero huli na pala?
- kung 'di mo kayang kalimutan ang mga pangako mo pati na rin siya?
Masakit diba? Masakit...
yung sa una, masaya kayo at biglang naging...
... complicated.
- - Santhy Funtillar
Chapter 1: Disappearance
~ Santhy's P.O.V. ~
"Huh? Ba't bigla siyang nawala?"
Sabi ko sa sarili ko.
"Anong nawala, San?" tanong ni Nick. Narinig niya siguro ang sinabi ko.
Nga pala, si Nick. Kasama sa barkada at matalik kong kaibigan. Mayaman ito, mabait naman yun nga lang, spoiled.
"Ah, sabi ko yung ID ko parang nawawala. Tingnan ko muna sa bag. Pakihawak nga 'tong camera."
Inabot ko sa kanya ang camera ko para makapaghanap ako sa bag.
"Eto. Nakita ko na."
"Uy! Sino 'tong babae? Ang ganda ah. Teka, dito yan sa gym ano?"
"Tss... Akin na nga. Wala 'to. Ide-delete ko na nga eh."
"Ah, ok."
Nasa gym pala kami ngayon. Nagpapa-enrol. Two years na lang gra-graduate na rin kami ng high school. :]
Actually, yung babae sa camera, siya yung sinasabi kong biglang nawala. Naka-agaw siya ng pansin sa akin kaya kinunan ko na lang.
Ngayon ko lang siya nakita sa campus. Mukhang 'di naman freshman. Baka transferee lang.
Tsk. How do I know eh and daming studyante dito sa school.
"Uhm, Mr. Funtillar and Mr. Montegro, you are done. Here's your certificate of enrolment.
Bumalik na lang kayo next week to see your sections. Thank you."
"Thank you, Ma'am."
"Hayst! Sa wakas. Natapos rin tayo, bro." Sabay akbay ni Nick sa akin.
"O nga. Tara, let's have a lunch sa McDo. Gutom na ako eh. Treat ko."
Dumiretso kami sa McDo ni Nick. Tamang-tama. Andun yung ibang barkada. Sina Anzhelle, Bryan, Marian at Sheryl.
Kakatapos rin lang siguro nila mag-enrol. Pero ba't di namin sila nakita? Oh well, sa pagkadaming tao nun. Kumain na lang kami kasama sila. Syempre, treat ko.
Namasyal na rin kami sa mall.
"Uh, guys. Mauna na muna ako sa inyo. Mom's calling. Baka nagagalit na. Bye!"
"Sige, San. Ingat ka. Thanks ulit sa treat sa 'min!"
Lumabas na ako at sumakay ng taxi.
"Yes, Mom. I'm on my way. Wait up for 5mins at sabay na tayong pumunta sa village. Bye. Love you."
After a week, bumalik na kong school to see my section. Sana special class II pa rin ako. Ayokong umangat. I mean, pareho pa rin lang naman ng teachers, subject topics unlike regular classes, pero ewan ko. It's more fun siguro kung hindi nangingibabaw.
Eto na ko. Nakaharap na sa Bulletin. Searching for my name. Asan na nga ba? Ayun!
Yes! Section II nga. :-D plus, classmates ko pa rin ang barkada!
^_^ Booouuyyyyaaaahhh!!!!
Oops! Who's this? DEETRY SALVADOR?
New student yata. Pareho kaming section. Ang swerte niya kung gayon. Bihira lang may makakapasok na transferee sa special classes. Kahit sa ibang year level. Baka napakatalino nga naman.
Makauwi na nga and tell this to Mom. For sure, I've got a reward for this. Bwahahaha! >:D
- - Wait up. Siya yun ah. Camera ko.
Dali-dali kong kinuha sa bag para ma-compare yung girl na nakita ko last time at ngayon. Siya nga! Siya yun...
Teka! Ba't di ko pa nadelete picture niya dito?
* * * Kkkkrrrrrrriiiiiiiiinnnnnnggggg * * *
Tss. Wrong timing ang call na 'to.
Bro Nick
calling...
"Hello, Bro?"
"San, !@$#>?.,"
Oy! Asan na yung babae? Di ko pa natanong name niya eh. . . . . si. . . si. . .
"Si Nick kasi!!!"
"Hoy! Anong ako? Ba't ako na naman? Anong nagawa ko?!?!"
Ay. Nagalit ko ata.
"Ha? Wala. Sabi ko, magkaklase ang barkada. Nakapasa tayong lahat kaya sabihan mo ang iba na pumunta sa Papa's Pizzeria. Libre ko."
"Talaga? O, sige sige. Bye! Sabihan ko muna sila. Yes! Kakain na naman ako."
"Ikaw nga pinakamayaman sa amin pero para kang PG."
"Pasensya na. Eh simula pa kahapon na di ako kumakain. Nag-away naman kasi kami ni Dad. Mamaya ko na ikikuwento. Gutom na ako eh. Kita na lang tayo dun."
Wala na bang ibang mangyayari sa mag-amang yun kundi away na lang? Parati na lang.
Ah! Pero kainis pa rin si Nick. Nawala siya tuloy. Ulit.
Urgh! . . . -_-
Please vote for this and recommend to others... Salamat! :) Don't forget to write your comment for the next chapter...
BINABASA MO ANG
Dance Through The Beat of My Heart
Lãng mạnThis is a story of both teenagers who had loved at first sight. After that, they became very close friends and the boy decided to propose to her. The girl accepted him. Since the boy is a good dancer, he had to make a decision. A decision that would...