KABANATA 11

22 6 6
                                    

Umaga pa lamang nagising na ako para paghandaan ang pagsuporta kay Rose mamaya sa kantahan. “Gumawa kayo ng malaking bandera na nagpapakita ng suporta kay Binibining Rose,” utos ko.

“Kayo ihanda n’yo ang sasakyan kong kabayo, bilisan n’yo,” utos ko naman sa mga sundalo.

“Maghulos-dili ka heneral, ano bang mayroon at ganyan ka?” ani Pedro na kakagising pa lamang.

“Lalaban mamaya ang sinisinta ko, gusto ko ipakita ang aking suporta sa kanya,” nakangiti kong tugon.

“Madaling-araw pa lamang heneral, masyado kang nasisiyahan,” pang-aasar n’ya.

“Hindi lamang ako makapaghintay,” ni hindi nga ako makatulog dahil umiikot sa isip ko kung paano ko s’ya susuportahan sa laban n’ya mamaya.

“Ang lalim ng mata mo heneral, halatang puyat,” napatawa naman si Pedro.

-----------

Nagsisidatingan na ang mga manonood habang ako kanina pa naririto. Hindi ko makita ang kalesa nila Rose. Kasama ko ang tatlong lalaking anak ni Manong Pedro dahil sila ang maghahawak ng bandera.

Hinihikab na ako kakahintay pero ‘di pa nagsisimula ang pagtatanghal. “Kanina pa ako naghihintay rito wala pa ba?” mahinang reklamo ko.

“Heneral, alas-nuebe pa lamang ng umaga naririto ka na, ala-una po ang simula,” halakhak nilang tatlo na nakaupo sa likod ko.

“Oo nga naman, ilang minuto na lamang magsisimula na, ihanda n’yo ang bandera,” sambit ko.

“Mga kababayan, sisimulan natin ang pagdiriwang ng kapistahan ng mga bulaklak sa isang labanan ng awitin, mga binibini mula sa ating bayan ang magpapasiklaban ng galing, bilang pasimula, tinatawagan si Heneral Eduardo Salvacion para sa paunang pahayag,” ani ng nasa entablado.

Syempre pinakiusapan ko s’ya para makapagsalita ako. Syempre dapat simulan sa speech at magtatapos sa pagsuporta kay Rose. Umakyat ako ng entablado at humarap sa madla, halos daan-daan ang dumalo.

“Magandang tanghali mga kababayan. Noong nakaraang araw ay may umatakeng mga hapon dito sa ating bayan. Gayunman, nagawa ng hukbo natin ang kanilang responsibilidad para protektahan ang ating bayan…” panimula ko.

“Magmula ngayon, ang buong bayan ay isasarado mula sa mga ibang bayan at gayun na rin sa mga dayuhan. Sa bawat sulok ay may bantay na sundalo upang mapanatili ang kapayapaan. Sa huli, maging maligaya nawa kayo sa Fiesta del Flores. At pinaaabot ko ang aking suporta sa aking minamahal na kasintahan… Binibining Rose Blue,” naghiyawan ang lahat saka nagpalakpakan.

“Maraming salamat,” panapos ko at patuloy silang nagpalakpakan hanggang sa pagbaba ko ng entablado.

“Maraming salamat sa isang mensahe at matamis na suporta heneral. At ngayon, naririto na ang unang kalahok…” naburyong agad ako dahil hindi si Rose ang una.

Nakakatatlo ng kalahok para bang inaantok na ako. Sana kumanta na s’ya, gusto ko nang marinig ang kanyang tinig!

“At ang huli at ‘di magpapatalo, Binibining Rose Blue,” nagpalakpakan ang lahat na kinagulat ko.

“Dali-dali itaas n’yo na!” utos ko na agad nilang itinaas ang bandera. “Kaya mo ‘yan! Ang galing mo sinta!” hiyaw ko.

Totally Obssesed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon