Chapter 35

10 4 0
                                    

Isha Karmela Montes

Halos lahat ng tao na nag-aayos sa loob ng sacred heart church kung saan gagawin ang huling lamay ni mama ay hindi magkanda ugaga sa paglalagay ng mga dekorasyon

Sa halos apat na araw na lamay ni mama ay hindi man lang bumisita ang mga kamag-anak ni papa. Pero hindi na ako nagtanong kay papa dahil alam ko naman na baka sa oras na magtungo sila dito ay magkaroon ng hindi pagkakaintindihan

Muli kong sinilip si mama ngayon sa ginto niyang kabaong. Maaliwalas ang mukha ni mama at lalong tumingkad ang ganda nito. Alam kong masaya ka na ngayon mama, sayang nga lang at hindi mo naabutan yung graduation ko mama

Tinignan ko ang litrato na naka-dikit sa pantakip ng kabaong. Buo pa kami doon at halat kami ay nakangiti

Napangiti ako sa sarili ko habang inaalala ko lahat ng ala-ala ni mama
Pero bigla pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni papa nung nasa ospital pa kami

"Pinapangako ko papa na ipaghihiganti ko si mama sa gumawa nito sa kaniya." Desidido kong sabi pero umiling si papa

"Anak... walang magagawa ang paghihiganti hayaan na nating ang batas ang managot sa kaniya"

Bumuntong hininga ako ayoko rin sanang maghiganti dahil hindi ko naman iyon pag-uugali pero hindi ko alam kung bakit parang may nag-uudyok sa akin

"Kilala mo po ba kung sino ang bumaril kay mama?" Diretso kong tanong kay papa na ikinagulat niya

"P-paano mo nalaman na nabaril ang mama mo?"

"Hindi ako naniniwalang nabangga ng motor si mama. Dahil nakita kong may tama siya ng bala sa tiyan... pa alam kong kilala mo kung sino ang gumawa nun kay mama" sandali akong napatingin sa puting t-shirt na papa na may bahid ng dugo
Kaya napatingin din doon si papa at bumuntong hininga

"Oo anak. Tama ka ng iniisip, magkasama kami ng mama nung nabaril siya"

"S-sino ang bumaril? B-bakit niya pinatay si m-mama? S-saan ba kasi kayo pumunta?!" Galit kong tanong kay papa

Hinawakan ni papa ang kamay ko
"Anak... ang pinagkakautangan namin ng mama mo... siya"

Nagulat ako sa sinabi ni papa at hindi ko akalain na siya agad ang pumasok sa utak ko
"S-si aling rita?"

Dahan dahan namang tumango sa akin si papa. Si aling rita ang pinagkakatiwalaan nila mama at papa. Dito rin sila umuutang tinuring na rin namin siya ni brent bilang nakatatandang kapatid... pero bakit

"B-bakit niya papatayin si mama---"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nasalita si papa

"Umabot na sa pitong milyon ang utang namin ng mama mo sa kaniya... kaya ganon na lang ang galit niya kay nerissa dahil sinubukan niya muling mangutang kanina"

Ikinuwento sa akin ni papa na umutang daw sila kay aling rita noon para sa pagpapatayo ng kanilang negosyo

(2017)

"Ano ba ang nais niyong itayong negosyo aber?" Tanong ni aling rita kay albert at nerissa na byumahe pa galing manila patungo sa lugar ni aling rita na nasa cavite

"Magtatayo sana kami ng maliit ng pagawaan ng libro... kung maaari sana rita ay pautangin mo kami ng kahit 30.000 para sa pagpapapundar namin nito." Saad ni albert kay aling rita

Matalik na kaibigan ni nerissa si aling rita kaya umaasa siyang tutulungan sila nito. At hindi naman sila nabigo dahil pumayag ito

My FateWhere stories live. Discover now