#CTGEpilogue (Part 2 of 4)
Marami akong hindi naiintindihan sa buhay ko... pero isa sa mga pinaka-naguguluhan talaga ako ay kung ano kami ni Cha... Ang confusing nung babaeng 'yun! 'Di ko alam talaga kung ano gusto niyang mangyari!
"Invite mo naman dito..." Gracey said.
"Invite ka 'dyan."
"Please? Gusto ko siyang ma-meet!"
"Nakita mo na sa ospital dati, 'di ba?"
"Di ko naman naka-usap kasi nga nagpa-check dahil nasuntok—"
"Hindi ko nga sinuntok si Cha!" sabi ko kay Gracey na natawa. Alam niya kasi na naiirita ako kapag sinasabi niya na nasuntok ko si Cha. Alam ko naman! Pero 'di ko naman gusto! 'Di ako nanununtok ng babae! Oo, minsan pikun na pikon talaga ako kay Cha, pero hinding-hindi pumasok sa isip ko na suntukin siya. Nagwo-walkout lang ako tapos nagyoyosi.
Tsk.
Masama talaga sa baga 'yang si Charisse Faith.
"Whatever," she said, sticking out her tongue. Bata talaga 'tong si Gracey. Minsan parang bata pero mas madalas sobrang nagger parang nanay ko—pero kapag nasa hospital, parang normal na tao naman siya.
"Saka 'wag mo na nga akong tanungin tungkol 'dun," sabi ko at saka tumayo para kunin 'yung libro ko. Wala si Atty. Cabo sa office buong linggo dahil may aasikasuhin. Ibig sabihin, wala rin akong masyadong gagawin kasi naka-assist lang naman ako sa mga ginagawa niya...
Makakapagbasa na rin ako ng libro sa wakas. Kaka-sawa rin magcodal. Daming kulang.
"Bakit?" Gracey asked. Kulet! Kaka-sabi ko lang, e.
"Tapos na kasi 'yun. Move on na," sabi ko na lang tapos lumabas ako para doon mag-aral. Naupo ako sa may bangko tapos sumandal sa pader. Nagconcentrate ako sa pag-aaral kasi ito lang talaga maipagmamalaki ko sa buhay ko ngayon.
Wala na dapat akong pake kahit sabihan nila akong cheater... basta alam ko sa sarili ko na 'di naman ako nandadaya. Wala naman akong kodigo kapag nag-e-exam.
Tsk! Kapikon! Manghahalik tapos 'di mamamansin! May topak din talaga 'yung babaeng 'yun, e!
Usually, 'di ako nagpapa-kita sa frat... Kaya nga badtrip sila sa 'kin, e... Okay lang. 'Di ko rin naman sila masyadong gusto kasama. Napipilitan lang ako maki-sama kasi iba topak nung iba 'dun, e. Akala mo sila may-ari ng mundo. Kapag 'di nasunod gusto, grabe magwala...
Minsan, naiisip ko na okay na rin na nawala pera nila Papa... Isipin ko pa lang na kasing entitled nila ako? Sakit sa ulo!
"What?" naguguluhan na tanong ko nang sabihin sa akin ni Samu—iyong vice-president ng frat—na ako raw ang in-charge sa logistics ngayon.
"Good luck," he said, tapping my shoulder.
The fuck? Ako in-charge sa logi? Siraulo ba sila? 3rdyear na ko at saka working, tapos ako in-charge sa logi?! Dami-daming bago, e!
Fuck tangina naman! Saan ko isisingit 'yung pagiging logi head?! Magta-trabaho, mag-aaral, tapos pati BAR month?! Siraulo talaga naka-isip nun!
Pagpasok ko sa room, agad na kumunot ang noo ko nang maka-bangga ko si Cha. She was looking at me, her eyes wide open. Tsk. Ano na naman ginawa ko? Kaka-pasok ko pa lang sa room, e!
"Last pair, Viste and Borromeo!" sabi bigla. Last pair? Huh?
Napa-tingin ako sa paligid at saka ko na-realize na may party sa room... Shit. Oo nga. Taena nawala na sa isip ko sa sobrang badtrip kay Samuel!
BINABASA MO ANG
Control The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na pinaghihirapan lahat ng meron siya. Being the only girl in a family full of guys, nasanay na siya na...