"And from now on, YOU. ALL. ARE. NOT. ALLOWED. TO TALK. TO ANYONE. FROM THE OTHER SECTIONS! mapakaibigan pa iyan or what. Kung sino lang ang nasa loob ng room na ito yun lamang ang allowed na kausapin. Maging tahimik tayo, magseryoso kayo! and another one thing you all are not allowed na hindi pumatay, lahat ay papatay! kung sino ang bumali sa Rules. Ako na mismo ang papatay sa inyo. You heared that right. Get it?" At agad n'yang nilinis ang kalat.
Lumipas pa ang mga araw. Patuloy paring may naghahanap sa adviser namin ngunit hindi nila nakikita. Walang nagsasalita sa amin. Lahat kami ay tahimik at nagmuka kaming misteryoso sa lahat ng tao sa school.
Dumaan pa ang mga araw. Dumami na ang namatay na guro. Isang malaking tanong na 'di mabigyang linaw sa mga tao ay kung bakit lahat ng nagiging guro namin ay namamatay.
Everytime kasi na sisigaw lang ng kaunti ang isang guro sa amin ay pinapatay agad. At itinatago lang din ang bangkay. Bigla nalang din kasing dumami ang nagkukwestiyon sa mga katangian naming mga nasa cream section. Sunod sunod na ang mga gurong nagagalit sa amin.
Maraming guro narin ang inayawan kaming turuan dahil sa masangsang at makalat na classroom namin.
Sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Parang naging kompetisyon nalang sa amin lahat. Wala kaming ginawa kundi aral aral aral. Ngunit ang pag-aaral namin ay hindi namin ginagawa para sa aming kinabukasan kundi para maging sapat kami sa mga guro. At kapag hindi sapat, pagpatay ang ginagawa namin.
Ang section na paborito ng lahat ng guro ay naging most hated nila.
Ang dating section na magagalang ay naging tarantado.
And dating section na mababait ay naging masasama.
Ang dating section na mapagkumbaba ay naging mapagmataas.
Ang dating section na maaasahan ay naging isang kamalian.
Ang dating section na palakaibigan ay naging tahimik.
Ngunit ang lahat ng ito ay walang nakakaalam. They just all know is, kami parin ang paborito ng lahat. Kami parin ang matatalino, maaasahan, magagalang, at iba pa. Pinapangarap parin nila ang makapasok sa section namin. Wala silang alam na we hate teachers. They don't know na pumapatay kami. Hindi nila alam na isang impyerno na ang section namin.
At ito ay dahil tahimik lang kami.
Pinili naming manahimik, makisama at pumatay din dahil kung hindi namin ito gagawin...
Kami ang mamatay.