Silya

119 30 0
                                    

SILYA

BY: Gray

Gusto kong malaman mo na mayroon akong pagtingin sa iyo,

Nababalot ng ibayong kaba ang dibdib ko.

Siguro nga mahal na kita,

Handa kitang haranahin kapag ang boses ko ay tumimbre na,

Handa kitang sayawan kapag ang katawan ko ay lumambot na.

Unti-unting nawawala ang tugma ng mga salita,

Dahil sa iba ka na natutuwa.

Hindi mo na ako napapansin,

Nawawalan ka na sa akin ng pagtingin,

Ang hirap pa lang maging ganito,
Ang hirap pa lang maging ganito,
Na pati atensyon mo ay inaangkin ko.

Oras at galaw ko kasi ay limitado,

Baka kasi mahalata mong may pagtingin ako sa iyo.

Natatakot ako,

Oo mahal, natatakot ako.

Natatakot ako na baka mailang ka,

At ako ay hindi na naising makita pa.

Gusto ko lang namang mapasaya ka,

Ngunit siguro sa iyo ay wala akong halaga,

Alam mo bang mamimiss kita?

Oo, mahal nangungulila ako sa iyo,

Hindi man halata ngunit sigurado ako na aking nadarama ay totoo.

Mahal kita,

Kahit ngayon ko lang napagtanto na gusto pala kita.

Paalam na mahal ko,

Matagal-tagal pa ang lilipas bago ko muling masilayan ang mga ngiti mo,

Sana nabasa mo ito,

At iyong napagtanto.

Na ako ay isang hamak na manunulat,

Na sa puso mo napiling bumakat,
Huwag mo akong kalilimutan ah?
Palagi kitang sasariwain sa aking mga alaala.

Sa virus ay mag ingat ka,

Mamahalin at pakakasalan pa kita,

Hindi ko man alam kung saan galing itong aking mga salita,

Ngunit marahil sa puso kong nanghihina,

Iniibig kita sinta,

Sapat na sa aking malaman mo na gusto kita,

Kahit sa puso mo'y may nagmamay-aring iba.

Siguro huli na at oras ay hindi ko na mababalik pa,

Mamimiss kita,

Aking silya.

Dahil dito kami unang nagtagpo, 
Ng minamahal ko.

Dito niya rin naisip na sumuko,

At napagdesisyunang lumayo.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon