SARA'S POV
Ahhh! ganun pala ha? Pinagiinitan nita yung representatives ng section namin? Paktay sila sa akin. Halos madurog ko na yung mga gamit ko sa bag na inilalabas ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa room and guess wala nga talagang tao rito, mga nagchecheer kila AJ sa games. Kasama ko sila Dianne at Arthur ngayon, itinatabi nila ang mga upuan para may maluwag kaming space sa gitna."Hala? mukhang ready na yung demonyo mag make up" asar ni Dianne sa akin. Matawa tawa pa itong tumingin sa akin. Kala ata nagbibiro ako, friend! seryoso ako! nangigigil nga ako eh.
"Di ako papayag na minamaliit kayo dun!" gigil kong sabi at napanguso. Napangiti naman si Arthur habang inaayos nya ang kahuli hulihang silya para maitabi sa gilid. Matapos nun at lumapit ang dalawa sa akin. "Hindi nyo ko mapipigilan!"
"Ba't mas magalit ka pa sa amin?" tanong ni Dianne sa akin. Pinagkakatuwaan na naman nya ako. Napabuntong hininga ako at napasandal sa kinauupuan.
"Ayoko lang kasi na may nang aaway sa'yo Dianne! Tsaka ang gara naman nun! Gusto ko lang gantihan para sa inyo yung instructor" paliwanag ko sa mga ito. Nagtinginan pa ang dalawa at tumawa. Bakit? ang gara naman talaga ah? Lumapit si Arthur sa akin at tinap ang ulo ko.
"Hwag kang mag alala, kaya naman namin yun" sambit ni Art at ngumiti. Sa totoo lang, ngayon ko lang napansin ang ugali ni Art. Napaka gentle pala nito at kung nag aalala ka sa mga bagay bagay, tiyak papakalmahin nya ang loob ganun. TAS MERON PANG MAG IINIT NG ULO SA KANYA? ANG BAIT BAIT NG TAO EH! Kung kay Dianne pwede pang may magalit, palaban kasi to kapag napikon eh, pero si Arthur dapat hindi ginaganyan. "Hahahha sige na nga tulungan mo na kami. Nagbabago bago yung reaction ng mukha mo"
"Si Arthur kasi masyadong mabait! TARA SARA GANTIHAN NA NATIN YUN MAMAYA" sambit ni Dianne. Youthful! hahaha kitang kita sa mukha ni Dianne na naeexcite na syang gumanti sa instructor. Si Arthur naman ay hinayaan na lang kami. YES! PUMAYAG DIN!
"YEHEEY!" pagbunyi ko. Habang si Dianne ay nagsstretching. "Anong ginagawa mo?"
"May utang sa akin yun na suntok sa sikmura, dahil sa pamamahiya nya sa akin" gigil na sabi ni Dianne. Nakalip bite pa ito at parang handang handa ng sumugod.
"Huy! walang ganung magaganap, I mean yung tulong na sinasabi ko sa inyo hindi sa ganung paraan" paliwanag ko rito. Ipinakita ko sa kanila ang make up na nasa table ko. "Etong make up na to hindi para sa akin, kundi para sayo Dianne"
"Hala? hindi ako bibili nyan! wala kong pera"
"Baliw! hahaha! Iaapply ko sayo to , tingnan ko lang kung hindi mamamangha yung salbaheng instructor na yan! HA! HA! HA! HA! KAH! KAH! *COUGH" pagubo ko. Sinubukan ko lang naman mag mala kontrabida sa pagtawa pero parang nakalunok ata ako ng lamok. Lumapit ang dalawa at hinimas ang likod ko.
"Ayos ka lang Sara?" tanong ni Arthur sa akin. Tingnan mo nga ito, angel talaga ang unang nagtatanong kung ayus lang ako eh. Tutulungan ko rin tong si Arthur!
"Masama na mukha mo Sara hwag mo na palalain gamit ang tawa mo haha" pang asar ni Dianne. Oh? tapos demonyo nandito na rin! Ngumuso lang ako sa asar ni Dianne.
"Dianne naman eh!" panguso kong sabi sa mga ito. Mas mabuti pang umpisahan ko na yung pag aayos sa dalawa. Tumayo ako. "Wait laang ha? kukunin ko lang yung ibang gamit ko sa locker room"
"O sige sige, kailangan mo ng tulong?" tanong ni Art.
"Di na hahah. Bantayan mo na lang yung demonyong Dianne"
"Demonyo ka dyan?"
"hahha sige! Hintayin nyo ko rito ah" paalam ko sa mga ito. Iniwan ko ang dalawa sa room. gagawin ko talaga ang lahat, makaganti lang sa instructor na yun.
BINABASA MO ANG
Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)
RomansaSi Ash Jan Evans na kilala sa screen name na AJ Evans ang dumating sa buhay ni Dianne na isang pangkaraniwan lang na tao. Nang dahil sa ka pilyohan ni AJ hindi lang career ang nagulo nya kundi pati na rin ang buhay ni Dianne. Ano kaya ang nagpa spec...