Chapter 4

16 3 0
                                    

KEITH's POV

"O-Oo." ilang na sagot sa akin ni Quinn.

Sebastian is one of my bestfriends. Bukod kay Kiel at Kelvin ay close friend ko si Seb. Close pa sa close. Kapatid ang turiangan namin.

Hindi ko maitatangging nagkagusto ako sa kaniya, sino namang hindi magkakagusto dun, bukod sa matalino at mabait ay guwapo pa. Meron siyang girlfriend na sobrang mahal na mahal niya.

Hindi niya sa akin sinabi kung anong pangalan niya, basta ang alam ko lang dati ay meron siyang girlfriend, pero nakipaghiwalay siya dati nung naospital si tito Ian at nagpakasal sa iba which is si ate Lyka.

"Kilala mo yung ex niya?!" parang gulat nanamang tanong ni Vannah habang naglalakihan pa ang mga mata.

"Oo, bestfriend ko." sagot ko nalang. "Bestfriend namin nila Kiel at Kelvin." dagdag ko pa.

"Small world grabe!" sabat naman ni Adrian.

Hindi kami nagkibuan at saglit na katahimikan ang namutawi sa aming magkakaibigan.

Tumunog naman ang bell at nagsipasok na ang nga students. Start nanaman nang klase.

"Class, I have some announcement." ani ni Ma'am Costales. Nanatili kaming tahimik at nakikinig lang sa kaniya. "This afternoon, wala kayong klase dahil me-" hindi na natuloy ni Ma'am ang sasabihin niya ng biglang nagsigawan yung mga kaklase ko.

"Yeah boyy!!"

"Wala nanamang pasok wohoo!!"

"Gala pa nga!"

"Kasama ko ang tropa walwal hanggang mawala!!"

Kanta pa ng isa na sinabayan ng lahat.

Samut saring hiyawan nang mga kaklase ko. Napatawa nalang kami pati ang adviser namin. Mga buang amporkchop.

"Class quiet." natatawa pang sabat agad ng titser namin. Natahimik naman kami pero may tawanan parin. "So meron ngang meeting mamaya sa BSA kaya walang makakapagturo sa students." dagdag pa ni Ma'am.

"Yun lang class. Be quiet, from BSA ang magbabantay sa inyo ngayon. Wag niyong ipapahiya ang Section 1!" yun lang at lumabas na si ma'am.

"Guys, san punta niyo mamaya?" tanong sa amin ni Quinn.

"Let's go somewhere." sabat naman ni Kurt na nagpangiti sa amin.

"Good idea. So saan ang punta natin?" sabat namang ni Ace. Magkakaharap na kami ngayon.

"Sa bahay niyo nalang kaya?" sabat naman ni Crexia habang nakatingin sa akin.

"Bakit sa amin?" tanong ko.

"Arat na Keith! Hindi naman siguro magagalit si tito Ranz." sagot naman ni Kiel.

"P-pwede rin naman.." sagot ko nalang. Malinis naman yung bahay kaya oks lang na pumunta dun HAHA.

Hindi na kami nakapagusap ulit nang may pumasok na isang lalake. Matangkad siya at mapayat, base palang sa uniform niya ay college student siya. White polo at navy blue slacks ang uniform nang mga college students sa BSA.

"Good morning section one!" masayang bati naman niya. He's Alexander, bestfriend ni Sebastian. Hindi kami masiyadong close, pero friends din naman kami

"Good morning visitor!" bati pabalik nang mga kaklase ko

Bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang napatingin sa gawi ko at ngumiti ng napakalawak.

ULTIMATE CRUSHWhere stories live. Discover now