1

5 0 0
                                    


Masaya akong nakatingala ngayon sa langit dahil dumating na ang araw na pinakhinihintay ko. Hindi ko maikukumpara ang sayang naramdaman ko ngayon.

"Miss Angel, kanina pa ata kayo nakangiti mag-isa diyan ah. Baka iba na yan ah" Turan ng naglalagay sakin ng make-up ngayon. Totoo naman kasi. Kanina pa ako nakangiti ngunit ang tahimik ko. Mula pagdating niya hanggang ngayon na nilalagyan niya na ako ng make-up ay wala pa akong sinasabi sa kanya. Mukha na ba akong baliw?

"Excited lang ako sa araw na ito"

"Ahhh dahil graduation niyo na?"

"Hindi. Dahil magkikita na kami"

Nagtatakang mukha ang pinakita sakin ng make-up artist ko dahil sa sagot na ibibigay ko sa kanya. Para sakin mas mahalaga ang pagkikita namin ngayon kaysa sa gaganapin ngayong araw.

Ngayon ay nasa paaralan na ako habang hinintay ang mga magulang ko. I admit hahanaphanapin ko ang lugar na ito. Sapagkat dito nagsimula ang lahat. Masasaya at nakakakilig na mga pangyayari na alam kong hindi na ulit mauulit pa kapag ako ay nasa industry world na. Idagdag na rin yung mga mapapait na alaala na alam kong saksi ang bawat sulok ng paaralan na ito.

"Besh!!!"

Agad akong napalinga nang marinig ko ang matinis na boses ng akong nag iisang best friend. Oo may nakakatagal sa boring na tulad ko Kaya making pasalamat ko dito sa taong ito.

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Sigurado ako mamimiss ako neto. Sabi niya kasi sakin niya kaya nang wala ako. Hindi naman kami magjowa pero ganyan takbo ng utak niya.

"Hindi mo man lang ako tinawagan kanina. Sabi mo sabay tayo pumasok. Nanguna-nguna ka nanaman." Sabi Niya sakin habang nasad face.

"Hala sorry nakalimutan ko. Nawala kasi sa isip ko eh." Totoo. Hindi ko naalala. Pasensya na best friend. Lutang Ang Lola mo.

"Eh kasi naman puro--" agad kong tinakpan ang kanyang bibig nang dumating si Josh. Nag-iisa kong best friend si Lia pero siyempre may mga kaibigan parin naman ako. Hindi naman kasi ako ganon ka loner. Ewan mas gusto ko kasi mag-isa o kaya mas gusto ko isa o dalawa lang mga kaibigan ko. Pero Hindi iyon mangayayari kasi dito ako nag-aaral sa UST. Kung saan sobrang daming mag-aaral ang nakakasalamuha ko araw-araw.

Tinanggal ko rin naman kaagad ang kamay ko sa bibig ni Lia after dumating ni Josh.

"Congrats Angel! You did it." Bati ni Josh as soon as dumating siya.

"Ay si Angel lang? Siya Lang ba gagraduate?" Pagrereklamo ni Lia.

Bigla lang niyakap ni Josh si Lia para Naman bumati. " Oo na congrats din sayo loves lam mo Naman na lagi akong proud sayo diba?" Hinalikan niya pa ito sa ulo.

"Hoy umalis kayo sa harap ko. Nabibitter ako"

" Ay sus! Humanap ka na kase. Magtatrabaho na Tayo sa future Wala ka pa Rin jowa?" Pagmamalaki ni Lia.

Eh sa Wala akong Makita eh. Oo marami din naman nanligaw sakin pero wala talaga eh. Di ko mafeel kung siya na talaga.  Hay

"Oh siya tayo na sa Audi at malapit na alas otso."

Papunta na kami ng auditorium dahil doon gaganapin ang graduation ceremony namin.

While walking I saw him. At the door, looking and smiling at me.

NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon