LOA S4 Part 104: Lakas ng Pag kakaisa

981 74 8
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 16, 2020

Part 104: Lakas ng Pag kakaisa

BART POV

Lumakad ako patungo sa harapan kung saan nag hihintay ang aking mga kapanalig. Ibayong pag aalala ang nararamdaman ko para kay Narding lalo't sasabak siya sa isang labanan na wala ako. Gayon pa man ay hindi nawawala ang tiwala ko sa kanyang kakayahan, alam kong makakauwi sila ng ligtas at kompleto mula sa panganib na kanilang kakaharapin.

Kasabay ng pag bagsak ng malakas na kidlat ay ang pag lipad ng limang matingkad na liwanag sa kalangitan. Mula sa gusali kung saan sila nakatayo ay gumuhit ang liwanag ng pag asa na nag bigay ng lakas ng loob sa lahat. Itinaas namin ni Cyan ang aming sandatang hawak at ang lahat sumunod na rin bilang pag papakita ng suporta at pag titiwala sa kanilang mga kakayahan.

Makalipas ang ilang minuto, ang limang anghel ay nawala sa aming paningin..

"Mahal na hari, nasa paligid na po ng Earth ang mga kawal ng Alpha." ang wika ni Galfia.

"Ilang porsiento pa ang natitirang tibay ng barrier ni Rashida?" tanong ni Cyan.

"30% at bumaba ito kada minuto. Ngayon ay may 29% nalang" ang sagot ng heneral.

Itinaas ni Montu ang kanyang espada hudyat ng pag hahanda..

"20 porsiento.." ang wika ng heneral..

"Handa ka na ba? Bart?" tanong ni Cyan.

Tumingin ako sa kanya at tumango. "Wala namang ibang pamimilian diba?" sagot ko sabay pindot sa aking suit.

Natawa siya. "Tapusin natin agad ito, pag katapos susunod tayo kina Irano doon sa buwan." ang wika niya habang naka tingin sa kalangitan na noon ay sumasabog pa rin ang liwanag dulot ng pag sira ng mga dayuhan..

"9 na porsiento" ang wika ng heneral.

Isinuot ni Juho ang kanyang bracelet at saka gumapang ang itim na kalasag sa kanyang katawan.

"5 porsiento.."

Nag crack ang kalangitan na parang salaming mababasag palang..

3..

2..

1..

Tuluyang nawasak ang barrier at dito ay nag dilim ng husto ng kalangitan at mula dito ay bumaba ang maraming sasakyang pandigma ng mga kalaban na parang mga langaw na nag liparan mula sa itaas. At hindi na sila halos mabilang sa dami ng mga ito. Bumagsak rin sa lupa ang maraming mga capsule, mga higanteng tableta na ang laman ay mga higanteng nilalang at mga halimaw na kakaiba ang anyo.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon