LOA S4 Part 107: Natatanging Teknolohiya

1K 83 10
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 21, 2020

Part 107: Natatanging Teknolohiya

ACE POV

REBOOTING..

SYSTEM FAILED!

ALERT!

SYSTEM FAILED!

Pilit kong idinilat ang aking mga mata habang naka subsob sa lupa. Nasa ganoong posisyon ako noong maramdaman kong may tumapak sa aking ulo. "Isa kang depektibong robot Ace. Sa mga susunod na taon ang mga katulad mo ay nasa tambakan nalang ng mga metal. Doon sa tambakan ng basura, sa mga talunang mecha na nawasak dulot ng pag babago ng panahon." ang wika niya at mas lalo pang idiniin ang kanyang paa sa aking ulo.

Maya maya tinadyakan na niya ito ng tinadyakan. "Pag katapos kita durugin ay isusunod ang mga kaibigan mo. Iyon ay kung makakaligtas siya sa kamay ng panginoon Alpha. O kaya naman bakit hindi ang kuya mo ang isunod ko?" ang wika niya habang mas idiniin ang aking ulo sa ulo.

Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa..

Nasa ganoong posisyon kami noong marahang bumukas ang kable sa aking mga braso at gumapang ito sa likod ng kalaban, pumasok ito na parang isang imbisibol na sinulid. Ang konseptong ito ay para sa lamok na kumakagat ng hindi mo mararamdaman. Nag kamali ako kanina dahil nag simula akong mag scan sa kanyang ulo, karaniwan sa mga robot at ibang nilalang ay doon iniscan ito ay basic. Pero ang isang ito ay mag tinatawag na UHC system o yung system na hindi maaaring sscan dahil mag ccause ito ng failure sa iyong system. Hindi ko dapat ginawa iyon kanina, hindi ko alam na siya ay isang mecha rin katulad ko at mas mataas ang system sa akin. Ngayon, ang conclusion ay MAS mataas ang security niya sa kanyang upper part na binubuo ng utak, mata, bibig hanggang leeg. Mahina ang security niya sa likuran kaya't dito ko pinadaan ang aking kable.

Pumasok ang kable sa kanyang likuran at tumusok ito sa kanyang battery core..

ENERGY TRANSFER..

QUANTUM SUPREMACY..

GREETINGS!

01001000 01100101 01101100 01101100 01101111 00100001

Nag nakaw ako ng enerhiya mula sa kanyang power supply. Nag simula akong kumuha ng 10% at ngayon ay nasa 17% na ito. Nararamdam kong bumabalik ng kaunti ang aking lakas..

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon