Sa wakas natapos na rin ang first grading examination namin. Hindi na ako umattend ng recognition day even though I was informed by my teacher na ako ang first honor sa aming section. Gusto kasi ni mama makauwi na agad ako as soon as possible.
--------------
Habang nasa byahe pauwi marami agad pumasok sa isip ko kung nakikilala pa ba ako ng mga kababata ko doon. Lalo na yung mga cousins ko na lagi kong kalaro. Close na talaga kami ng mga pinsan ko kasi hindi rin nagkakalayo ang mga edad namin. Hindi ko rin maiwasang maisip kung paano ako ulit mag aadjust knowing na ilang taon na ako sa Maynila and hindi na gaanong sanay mag bisaya. Baka tuksuhin lang ako doon na masyadong maarte. Pero kahit papano hindi ko rin naman nakakalimutan ang bisaya and until now I still be able to understand it sadyang ang concern ko lang is on how to start a conversation with them na hindi gaanong awkward. But I am still excited sa mga bago kong magiging classmates and hoping na magiging kaibigan except doon sa mga pinsan kong kilala ko na. And isa pa sa mga inaalala ko ay baka masyadong matatalino ang mga estudyante doon at hindi na ako ma honor pa nakakahiya sa buong angkan namin! HAHAHHA!--------------*Sa Airport*--------------
Pagdating namin sa airport agad akong napangiti nang makita ang aking buong pamilya na naghihintay. And ang saya lang kasi agad nila akong binati sa pagiging first honor ko kahit wala akong medal and certificate na maibigay sa kanila sa pagmamadaling makauwi. But I am very happy knowing that they are still proud and happy for my achievement. Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga kasama nila mama at papa meron akong nakitang hindi gaanong pamilyar ang mga mukha. Agad akong nagtaas ng kilay kay mama sign na nagtataka ako kung sino sila. Pero agad akong napatawa kasi ang isang babae ay ang pinsan ko pala na si Celine. Sya ang kaagaw ko dati sa pagiging nanay sa bahay-bahayan namin. Habang ang lalaki naman ay si Kent na ginagawa naming utusan ni Celine tuwing may ipapabili kami sa tindahan. Nakakatuwa lang kasi agad nila akong pinansin ng walang pag-aalinalangan. Para bang isang araw lang kaming hindi nagkita kaya ganun na lamang ako ka komportable makigpag biruan sa kanila. Habang nagbabyahe papunta sa bahay sobrang ingay naming nagbibiruan at nagtatawanan habang binabalikan ang mga pinagdaanan namin nung kabataan. Kasama na jan ang pagnanakaw namin ng bigas para lutuin sa lata ng sardinas pag walang tao sa bahay. Ang pag gawa ng bahay-bahayan gamit ang mga dahon at kumot. At iba pang mga karanasang mananatili sa aking isipan dahil alam kong doon ako namulat at naramdaman ang tunay na saya sa kabila ng kawalan ng teknolohiya na ginagamit na ngayon ng maraming kabataan. Nais ko pa sanang itanong kay Celine kung anong pangalan nung lalaking laging tumatayong tatay sa bahay-bahayan namin kapag ako ang nagiging nanay pero sa sobrang daldal ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ang dalawa siguro sa sobrang aga nilang naghintay sakin sa airport. Kaya hindi ko na lamang sila inistorbo at natulog na rin ako para kahit papaano matanggal ang pagod ko sa byahe.
BINABASA MO ANG
CRUSH INTO TRASH
Lãng mạnCrush meron lang akong gustong sabihin. Ako nga pala ang taong nangangarap na ika'y maging akin. Ako rin ang taong naniniwalang pagmamay ari kita at pilit kang inaangkin. Ako rin pala ang taong kaya mong pakiligin kahit man lang sa mga simpleng pagt...