Yugto 2

82 10 0
                                    

Yugto 2
Thank You

Walang artista. Wala ring pa-free taste ang Cerelac. Mukhang tama nga iyong babaeng sumigaw sa room namin kanina, may gwapo nga.

Pero sa lahat naman ng gwapo, bakit siya pa? Parang gusto ko na lang tuloy magtago sa likod ni Dea.

"Kung sino man sa inyo ang nakakakilala kay Jamie, pumunta rito sa tabi ko."

Nanggaling ang malamig na tinig na iyon sa matangkad na lalaki. Gwapo at walang kapintasan ang mukha. Maputi ang balat at halatang anak-mayaman dahil hanggang dito ay amoy ko ang mamahaling pabango niya. Simple lang ang suot niyang v-neck shirt at pantalon, 'di ko itatanggi na bagay talaga iyon sa kanya. Pwedeng-pwede na nga siyang maging model eh.

Sino siya? Siya lang naman ang lalaking tinulungan ko sa bar. Siya si Mr. Hindi Kailangan Ng Tulong.

Anong ginagawa niya rito? At paano niya nalaman 'yung pangalan ko?

Ilang linggo na ba ang nakalipas mula nung tulungan ko siya? One and a half? Two? Two!

Natigil ako sa pag-iisip dahil halos mangisay na 'yung mga babae sa kilig. At worse, katabi ko pa 'yung iba at nabubunggo na nila ako habang nangingisay sila.

"Gusto ko siyang makatabi kaso 'di ko kilala si Jamie! Sino ba 'yon?"

Ako 'yun, girl!

Wait. Ako nga ba? Baka ibang Jamie? But who am I fooling? Tinulungan ko si Mr. HKNT, kaya hindi malabong ako nga 'yung Jamie na hinahanap niya ngayon.

"Kahit na kilala ko si Jamie, bakit ko naman sasabihin sa kanya?"

"Ang gwapo talaga niya! Grabe!" rinig kong sabi nung isa.

Niyugyog ako ni Dea kaya napabalik ako sa katinuan.

"Sabi ko sa'yo eh! Hinahanap ka nung gwapo na 'yan! Sino ba siya? Kilala mo? Magkakilala kayo? Bakit 'di ko alam? Naglilihim ka na ba sa akin—"

"Hep! Hep!" Inilagay ko ang index finger ko sa labi niya. "Baka naman hindi ako ang Jamie na sinasabi niya? Marami namang Jamie sa mundo, ah?"

"Tulad ni?" Nagtaas ng kilay si Dea.

"Tulad ni Jamie Elizabeth Sullivan–Carter," sabi ko kahit pa maliwanag pa sa sikat ng araw na ako nga ang hinahanap ng lalaking tinulungan ko.

Pero ayokong mag-assume. Paano kung kapangalan ko lang pala 'yung girlfriend niya? At 'yung girlfriend niya pala talaga 'yung hinahanap niya? Tapos...

"Inuulit ko, Jamie Everleigh Herrera. Pamilyar ba ang pangalan? Sinong may kilala sa kanya?"

Fudge! Full name ko 'yun!

Hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga pangyayari nang bigla na lang sumigaw ang magaling kong kaibigan, "Ako! Ako!" Tinaas ni Dea ang kanan niyang kamay na akala mo ay tinatawag ng teacher. Ang kaliwang kamay niya ay nakaakbay na sa akin.

"Ito si Jamie!" Tinuro-turo niya pa ako. At hindi pa nakontento dahil tinulak niya ako papunta sa harapan ni Mr. HKNT.

Mas lumakas ang bulungan.

Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang magagandang pares ng mata niya. Ngayong malapit na ako sa kanya ay mas lalo kong naamoy ang natural na bango niya. Pinagpawisan ako at parang gusto kong tumapat sa aircon para malamigan.

"Ikaw... Ang tagal kitang hinanap."

Narinig ko ulit 'yung soothing niyang boses.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Oo. Ikaw Jamie Everleigh Herrera." Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Bumaba ang tingin ko roon. "I am Travis Allego and thank you for helping me."

Nangyayari ba talaga 'to? Ba't parang hindi kapani-paniwala?

Constantly In Love (Soledad Cousins #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon