Chapter 13

814 35 1
                                    

Dalawang linggo na rin ang lumipas buhat ng maganap ang mainit na tagpo na iyon sa pagitan nina Trace at Ella. At sa loob na lumipas na dalawang lingo ay matinong pinandigan ng binata ang binitawan nitong pangako na hindi na siya lalapitan, guguluhin, o iistorbohin pa sa kahit na anong paraan.

Sa mga pagkakataon na hindi sinasadyang nagkukrus ang kanilang landas ay agad itong iiwas. Sa tuwing uutusan naman siya ng kaniyang boss na si Stefan na magdala ng papeles sa opisina ni Trace ay hindi rin siya kikibuin man lang nito. At sa mga pagkakataon na magkakalapit sila ay mabilis itong umiiwas o di kaya naman ay umaakto na parang walang nakikita. And damn, she hated it. Noong mga naunang araw ay aaminin niyang na-miss niyang bigla ang presenya ng makulit na binata and she hates how easy it is for him to treat her like she never existed.

Pero sa lumipas na mga araw, sa bawat paglipas ng panahon na pinakikitunguhan siya nito ng ganoon ay natututunan na rin niyang tanggapin na tapos na ang kung ano mang namagitan sa kanila. After all, hindi nga ba at siya naman ang nagsabi kay Trace na layuan siya?

Umiihi si Ella sa isa samga cubicle ng comfort room sakanilang office floor nang marinig niya ang pagpasok rin sa banyong iyon ng mga kapwa niya empleyado.

"Mga sis, alam niyo ba may tsismis ako sa inyo." Sabi ng isa sa mga babaeng pumasok.

"Ano iyon?" tugon ng isa pang kasama nito.

"Dali, dali, chika mo na!" excited naman na panunudyo ng isa pang babae.

Base sa pinanggagalingan ng boses ng tatlong babae ay mukhang nasa harapan ng salamin ang mga ito at nag-aayos ng sarili.

"Guess who kung sino ang nakita ko kahapon habang nagdidinner kami ng boyfriend ko." May halong pamisteryo na chika pa ng babae.

"Sino?"

"Oo nga, sino? Wag mo na kami bitinin, mamaya may iba pang dumating dito."

Nakita ko yung isa sa kambal na may ka-date kahapon." Panimulang chika nito. "Hindi ko alam kung si Sir Jace yun or si Sir Trace. Pero feel ko si Sir Trace kasi diba si Sir Jace may jowa na model ngayon, yung bumibisita sa kaniya araw-araw. Tanda niyo, yung kinukwento satin ni Janna?" Ang babaeng tinutukoy nito na si Janna ay isa sa mga secretary ni Jace.

"Ano naman ang bago dun?" tila nagtatakang tanong ng isa sa mga ito. "Yung mga ganun ka-gwapo na lalake talagang hindi mauubusan ng ka-date."

"Oo nga, kahit ako papaya akong maging kabit ng kahit sino kino Sir Jace, Sir Trace, o Sir Stefan. Diba?" tatawa-tawang usal nito saka nakipag-apir sa kaibigang babae.

"Gaga, kahit naman ako pagpapalit ko jowa ko pag sinabi ng kahit sino sa magkakapatid na Hendelson na gusto nila kong jowain." Tahasang pag-amin ng babaeng nag-ungkat ng tungkol sa chika daw. "Pero, teka, hindi kasi yun ang issue dito. Si Ella, diba parang pinopormahan ni Sir Trace yun? Napansin niyo ba?"

"Huh? E di ba sabi ni Ella mismo na kaibigan naman talaga nila yung kambal?" nagtatakang tanong ng isa. "Diba nga dati na raw close yun bago pa pumasok sa office natin. Ang sabi ni Janna at Emily parang family friend daw yun kaya ganun ka-close magbiruan."

"Sana all!" biro ng isang babae. "Imagine mo close siya sa buong magkakapatid na yun pero walang nagtangka na jowain siya?"

"Alam mo naisip ko din yan, kaso, kung ikukumpara ko naman yung babaeng yun kagabi tapos si Ella, jusko magmumukhang ordinaryo si Ella dun kay Ate girl. Iba yung level ng ganda. Pang malakasan!"

"Hello, kilala naman ata sa buong mundo na playboy si sina Sir Trace at Sir Jace, wag na tayo magtaka kung ang taas ng taste nila sa babae."

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon