Blanko.
Gusto kong sumigaw, kahit ngayon lang.
Gusto kong magtanong, pero ayoko.
Gusto kong magalit, pero hindi ko kaya.
Gusto ko pero wala akong magawa.
Luha.
Matagal na rin mula ng huli kong nailabas ang mga luha ko. Masayahin akong tao, magaling magdala ng problema ng buhay. Para sakin ang problema nadadaan lang yan sa konting kembot at matinding panalangin.
Hindi ko na kaya. Hindi ko alam if this is supposed to be a declarative sentence or isang patanong.
Gusto kong mapansin. Mapansin ang kahinaan ko.
Gusto ko ng kayakap. Pakiramdam ko nagiisa ako.
Gusto ko ng kausap. Nakakabingi ang katahimikan.
Hanggang kailan ko kaya ang magisa? Magisa sa emosyon, magisa sa sakit at hirap?