Shane
Naglalakad ako sa hallway papunta sa registration office para mag early enroll sa SVT University. Transferee ako dito sa pasukan. Kasi kakalipat lang namin ng bahay kaya bagong school nanaman. Ng makarating ako sa tapat ng pintuan ng Registration Office ay kumatok na ako. "Yes?" Tanong ng babaeng nasa loob ng registration office. Kunwari ay mahinhing dilag akong nagsalita. "Mageenroll po sana ako. Pede po bang mag-enroll?" Sagot ko sa babae. "Oh, sure hija! Come in." Pagkasabing pagkasabi ng babae ay pumasok na agad ako. Nagmamadali na kasi ako you know. Inikot ko muna ang mata ko sa paligid at inisa isa ang mga kahamitan, mula sa pader na kulay light pink hanggang sa mga kagamitang kulay sky blue. Naupo na ako sa itinuturong upuan ng babae. Inabot ko sa kanya ang aking birth certificate, yung mga requirements ng school, at isang one fourth (¼) na papel na may motto mo sa buhay.
"Hija, may follow up question lang ako sa iyo ah. Dito kasi sa mga ipinasa nalaman namin na ikaw pala ang validictorian sa past schools mo. Bakit ka pa dito mag-aaral? And hija" Tanong niya na ikinatameme ko. Bakit nga ba ako mag-aaral dito? Anong sasabihin ko? Yung sa family business nalang. Tama yun na lang. "Mag-aaral po ako dito gawa po ng Family Business." Sagot ko. Ngumiti naman siya at naglahad ng kamay. " Nga pala ako si Mrs. Anderson. Okay na last question nalang. Anong talent mo? O anong mga talent mo?" Tanong niya. Napa-isip nanaman ako sa tanong niya. "May kakayahan po akong umawit, tumula, at sumayaw kahit papano." Sagot ko na ikinangiti niyang muli. "Okay maaari ka nang makalabas, ipapasa ko nalang ito sa magiging guro mo." Sabi ni Mrs. Anderson na ikinatuwa ko.
Nagpaalam muna ako bago lumabas. Lumabas akong nakangiti. Ngayon naman naisipan kong kumain muna sa isang café malapit sa school kaya naglakad na ako palabas. Kinuha ko muna yung phone ko at tinext si Mama na kakain lang ako sa labas at papasundo na ako gamit ng family car namin. Matapos ang aking pagtetext ay isinuot ko ang aking wireless earphone at punatugtog ang kantang Feel Special ng girl group na Twice.
Bago pa man ako makalabas sa universiity na ito ay may bumangga sa aking lalaki. Napaupo pa ako sa sahig kasi anlakas talaga ng pagkakabunggo sa akin. "Aray!" Sigaw ko ng magtama ang sahig at ang pwet ko. Di manlang niya ako tinulungan tumayo. Tinignan niya lang ako ng parang wala lang. "Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Tanong ko na may halong pagkairita. Nilayasan niya lang ako ng wala manlang sorry. At dahil dun naglakad na ako sa café ng nakabusangot ang mukha.
———
Umorder na ako sa café ng isang Frappe Cappuccino at isang slice ng red velvet strawberry cake. Syempre pinictur'an ko muna yung pagkain ko at pinost Instagram bago ko kainin. Ibinalik ko sa isip ko yung lalaking bumangga sa akin. Nang tinignan ko ang mukha niya kanina masasabi kong gwapo talaga siya. May bilugang mata pero singkit, magandang kilay, matangos na ilong, kissable lips, natural skin tone, at pinakanakakaattract para sa akin, mahahabang pilik mata. "Gwapo sana, kaso ang gaspang ng ugali." Bulong ko.
Nagulat ako ng magtilian ang mga babaeng nakain dito sa café ng may pumasok na lalaki. Tinignan ko ito at nakitang siya yung nakabangga sa akin.
Pakasalan mo na ako oppa!
Oppa pansinin mo naman yung chocolates sa locker mo! Ako naglalagay nun eh!
Akin ka nalang Kim Min Gyu!At kung ano ano pang sigawan yun. Bigla biglang umawang yung mga labi ko ng mapagtanto ko kung ano yung sinigaw ng isang babae. "Kim Min Gyu?" Bulong ko na may halong gulat. Halos maluha ako dahil siya na pala ito. Pero anlaki ng ipinagtaka ko sa naging ugali niya. Tinignan ko siya na ngayon ay umu-order na ng kanyang kakainin habang nakikipaglandian sa cashier. Umalis na ako kasi nahiya na ako at nagulat na din. Saktong pagkalabas ko ay syang dating ng family car namin. Pumasok na ako at nagpahatid pa uwi.
"Oh anak, how's your enrollment?" Tanong agad ni mama ng makapasok ako. "It's already done. But I have a question Ma. Bakit kailangan nila tinanong kung ano ang talent ko?" Tanong ko na may halong pagtataka. "Anak, I told you to read their articles and the University's Mission and Vision." Sermon ni mama. Tinamad kasi ako basahin yun. "Hehe sorry Ma. Okay I'll go upstairs na ah. Bye po Ma! Wub you!" Pagpapaalam ko. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga. Nagmunimuni ako habang nakatingin sa kisame. Bigla nalang may sumingit sa isip ko na flashback.
Flashback
"Gyu!" Tawag ko sa matalik kong kaibigan. "Oh? Ano nanaman?" Tanong niya. "Tara! Akyat tayo dun sa treehouse! May nakalimutan ako!" Pag-aya ko sa kanya. "Ikaw nalang kaya mo na yan. Okaya tawagin mo si Min yung crush mong abnoy." Pagtanggi na. "Dali na! Mas gwapo ka naman dun eh!" Pag-aya ko ulit. Ngumiti siya at inunahan pa ako papuntang treehouse. "Gyu! Ako muna papasok ah! Sumunod ka nalang!" Sigaw ko sa kanya sabay akyat sa treehouse. Pagka akyat ko inayos ko na yung pagtataguan ko dahil surpresa ko sa kanya ito, ngayon kasi ang kaarawan niya. Narinig ko na yung pagtapak niya sa sahig ng treeehouse kaya naman lumabas na ako sa pinagtataguan ko. "Surprise! Happy Birthday Gyu!" Sigaw ko. Nakita ko namang natuwa siya dahil sa reaksyon ng mukha niya. Bigla nalang siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. "Akala ko nakalimutan mo na nabirthday ko ngayon." Sabi niya habang nakayakap pa din sa akin. Niyakap ko din siya sabay sabi ng "Pwede ba yun? Para saan pa na naging magkaibigan tayo?" At humiwalay ako sa yakapan namin.
Bigla nalang umakyat si Joshua, Jeonghan, at si Wonwoo sa tree house. "Happy Birthday Gyu!" Sabay saby nilang sabi tsaka kami naggroup hug at kumain ng pinaluto ko kay Mama na handa namin para kay Gyu. Mayaman din sila Gyu, pero sa labas kasi sila kumakain kapag may gantong okasyon kaya kami na ang naghanda. "Guys?" Tawag sa amin ni Gyu. Tumingin kami sa kanya at sabay sabay na sabing "Oh?" Natawa nalang tuloy kami. "May sasabihin ako sa inyo." Sabi niya sabay tungo. "Ano yun? Spill it." Sabi ni Wonwoo na kasalukuyang nagbabasa. "Aalis na ako. Pupunta ako sa States at dun na pag-aaralin nila Mom." Sabi niya na ikinatahimik ng lahat. Hindi ko na naituloy ang kinakain ko, hindi narin natuloy ni Joshua at Jeonghan ang nilalaro nila, at di na natiliy ni Wonwoo ang pagbabasa niya. Nag-angat siya ng mukha at ngumiti sa amin. "Salamat sa 6 years na pagsasama natin guys." Sabi niya sabay tumayo at umalis na. Napaiyak nalang ako kasi wala na yung isa sa mga kaibigan ko. Siya yung pinakaclose ko sa kanilang apat. Boy Bestfriend ko yan eh.
Kinabukasan nakatanggap ako ng kulay pink at pahugis triangle na gem na kwintas. At isang letter na sulat kamay ni Gyu. Nakalagay dito ay ganto.Dear Shane
Salamat sayo, natuto akong lumaban. May isa pa pala akong sikreto sayo. Crush kita. Sana pagnagkita tayo sa future. Maging maayos na ang lahat. Wag mo ipapagiba yang treehouse ah. Hirap tayong lima sa pag-iipon para dyan. Yun lang. Love You!
Sincerely yours,
Mingyu~End Of Flashback~
Napatingin ako sa bintana at nakita ang lumang treehouse namin. Lumabas ako at ngayon lang napagtanto na maggagabi na pala. Umakyat ako sa treehouse at binuksan ang ilaw nito. Walang pinagbago ang mga naandito. Ganun pa din. Nagulat ako ng may biglang umakyat. Pagtalikod ko ay nakita ko ang isang lalaking nakablack na hoods, nakamaong pants,at nakasapatos ng brown.
————————————
Ayan! Natapos ko din ang Chapter One! Sorry ang lame nung story. Don't worry aayusin ko na siya sa mga susunod na chapters! Salamat sa pagbabasa!
-KittyKeun
BINABASA MO ANG
Secret Feelings | Mingyu
FanficWe're friends simula nung 5 years old pa lang kami. Not up until now. He changes a lot. Parang ako, I changed pero hindi katulad ng pagbabago niya. Anlayo niya sa dating siya. At anlayo ng dating pakikitungo niya sa akin, sa pakikitungo niya ngayon...