Cover by Joza Mae Saut
******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 4
AiTenshi
Feb 23, 2020
Part 111: Propesiya
IRANO POV
Tumilapon ang aming mga katawan sa malayong direksyon noong pasabugin ni Alpha ang aming kinalalagyan. Halos wala na kaming lakas at minsan ay sumasagi sa akin isip na baka ito ang katapusan ng aming pag lalakbay bilang isang bayani at isang mandirigma. Sadyang mayroon talagang isang makapangyarihang nilalang ang naka himlay sa malayong demensiyon at bababa upang wakasan ang lahat. Minsan kahit gaano kalakas ang mandirigma ay tiyak na may sisibol at sisibol pa rin na mas malakas sa iyo at wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang iyong unti unting pagkatalo.
"Irvin, sa ngayon ay masyado nang mabilis kumilos si Alpha. Wala na ni isa sa inyo ang may kakayahang sumabay sa kanya. Palakas siya ng palakas at ngayon ay nasa antas na siya ng walang makapapantay." ang wika ni Mirai.
"Ang ibig ba nito ay dapat na umatras na kami at mag tago?" tanong ko habang lumulutang ang aking katawan kasama ang mga nasirang bato paligid.
"Hindi, ang sa akin lang ay mag iingat kayo at mas maging mapag matiyag sa kanyang mga kilos. Ibibigay ko pa rin sayo ang aking kahuli hulihang lakas Irvin." ang wika niya at dito ay nag liwanag ang aking dibdib at nag simulang umangat ang butil ng tubig sa paligid. Lahat ng ito ay namuo sa aming mga kinalalagyan at nag liwanag na animo bola ng inipong enerhiya. Sa isang kumpas ng aking kamay ay lumipad lahat ng bola sa kinalalagyan ni Alpha, sumabog ang lahat ng iyon sa kanyang paligid.
Yumanig..
Naging magulo ang lahat..
Pero walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kanyang kinalalagyan. Maya maya ay umatake na sila Ace at Nai. Mabilis silang nag tatakbo sa kalaban ngunit sa isang kumpas ng kanyang kamay tumilapon ang mga katawan nito.
Nawala siya sa aming paningin at maya maya ay isang malakas na sapak ang lumanding sa aking mukha halos na basag ang aking panga. Naramdaman kong sinalo ako ni Narding at siya ang sumangga sa susunod na atake ni Alpha. Hinawakan ni Jorel kanyang braso gamit ang isang kamay nito pero pareho lang silang tinadyakan at bumulusok pababa sa lupa.
Bago ako bumulusok sa lupa ay ibinalibag ko ang aking sibat sa kanyang kinalalagyan at naging tubig ito na panandaliang gumapos sa kanyang katawan. Maya maya ay bumangon si Narding, nag liwanag ang kanyang kamao at isang malakas na suntok ang iginawad niya sa mukha nito ng paulit ulit.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasiAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...