Shane
Naligo na ako para bumili ng mga gagamitin sa school. Dahil nagmessage na ang SVT University sa mga estudyante kung ano ang mga kailangan sa school. Nagbabad lang ako sa shower habang naghihilod ng katawan. Ng maalala ko nanaman ang masayang alaala naming magkakaibigan. Naliligo kasi kami ng sabay. Silang apat nasa bathtub habang ako nasa pool katabi ng bathtub kasi bawal daw maligo ng sabay ang babae at lalaki. Lalo pa't tuli na silang apat nun.
Nagtapis na ako ng tuwalya at nagbihis na. Nang matapos na ako sa mga rituals ko kapag bagong ligo ay kinuha ko na ang wallet ko at lumabas na ng kwarto. Tinawag ko si Mang Canor para ipagdrive ako papuntang mall.
Ilang minuto din ang ginugol ko sa mahabang trapik papuntang mall. Pagbaba ko sa kotse kapansin-pansin ang pagtingin sa akin ng mga kalalakihan at kung paano mabwisit ang mga babae sa akin. Dumiretso ako sa rest room ng mga babae dahil baka may dumi ako sa mukha.
"Wala naman akong dumi sa mukha bakit nagtitinginan sa akin?" Tanong ko sa sarili matapos akong tumingin sa salamin. Tinignan ko ang aking kasuotan. Nakasandals, nakadress na crop top at above the knee, at nakashades. Yan ang suot ko para presko lang sa katawan. Nga pala. Mayroon akong mapuputing balat dahil namana ko yung sa magulang ko. Mahabang buhok na medyo kulot sa laylayan na may parang highlight na color brown sa may pagkablonde kong buhok. May tangkad na 5'6 at may bewang na di lalagpas sa sukat na 22.
Matapos yun ay naglakad na ako papunta sa National Book Store. Sa pagpili ko ng mga gamit may kumalabit pa sa akin. Nanglingunin ko ito namukhaan ko agad. "Oh! Wonu! Nagulat naman ako sayo! Ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Tapos ko na lahat yung binili kong libro eh kaya naghahanap ako. Tatlo palang tong napipili ko ng makita kita. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin pabalik. "Bumibili na ako ng gagamitin ko nag-enroll na ako eh. Saan ka pala mag-aaral?" Tanong ko nanaman." Sa SVT University, nakapag-enroll na ako dun eh. Ikaw ba?" Tanong nanaman niya. " Same pala tayo eh. Dun din ako. Sige maiwan muna kita dyan bibili lang ako." Sabi ko lalakad na sana ako palayo ng hawakan niya ang kamay ko. "Samahan na kita." Sabi niya sabay kapit sa kamay ko na akala mo magjowa. Napatingin nalang ako sa kanya habang kinakaladkad niya ako. Dahil na rin sa gitla parang naiwan ko yung utak ko sa kung saanman.
Nabalik lang ako sa ulirat ng makita kong kami na ang susunod na magbabayad. "Magbabayad na tayo agad? Wala pa-" Hindi pa man ako tapos makapagsalita nakita ko na ang mga gamit na inabot ni Wonu sa cashier. Nginitian niya pa ito. At eto namang si Ate Gurl akala mo kinalikot ang tinggle. "Magjowa po kayo? Bagay po kasi kayo eh." Singit ng isang lalaking cashier at nginitian pa kami. Tinignan ko muna si Wonu nginitian niya lang ako. Magsasalita na sana ako ng pagtutol ng Um-oo si Wonu. Tignan ko ulit siya at nginitian niya lang ako na parang nagsosorry na ewan.
"Tara! Kain tayo libre ko na." Sabi ni Wonu na sinang-ayunan ko naman. Naglakad kami ng makita ko yung stall ng Turks. Agad kong tinuro sa kanya ito at bumili kami. Syempre di ako papaawat nakita ko na din yung Milk Tea eh. Binilhan niya ako ng Milktea at bumili siya ng Kape niya. "Turks tapos kape ipa-partner mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Oo naman, masarp nga toh eh." Sagot naman niya na parang proud pa siya. Bumili din kami ng Ramen sa isang Korean Restaurant at naghanap na ng mauupuan.
Habang kumakain may nahagip ang mata ko na parang nakatingin sa akin. Nakatingin ng malumanay at malamlam. Nilamig ako sa tingin niya. Unti-unti ko na siyang namukhaan. Si Gyu. Pero bakit ganun? Ang cold niya. As in parang yelo. Mali mas malamig pa sa yelo. "Ayus ka lang? Kanina ka pa nakatulala diyan. Malamig na yang ramen mo di mo na kasi ginagalaw." Tanong niya sa akin sabay kaway ng kanyang kamay sa harap ng mukha ko. Napapikit nalang ako at tumango sa kanya. Inubos ko na din yung pagkain.
Pagkatingin ko sa pinto lumabas na si Gyu. "Ano? Tara na ba? Hatid na kita sa inyo?" Muling pagtatanong niya. "S-sige nilalamig na din kasi ako eh. Tara na." Sabay na kaming lumabas sa Korean Restaurant. Nagulat ako kasi may bumangga sa akin. And guess what. Siya nanaman. Ang hilig niya akong banggain. Tinignan ko siya na kunwari ay di ko siya kilala. Humawak ako sa braso ni Wonu sabay inirapan siya. "Tss. Muka namang tubol. Nakakadiri kayo." Maangas pero malamig na saad niya. Sabay pasok sa Korean Restaurant. Naikuyom ko nalang ang aking mga kamay dahil sa mga sinabi niya. Naluluha akong naglakad kasabay si Wonu. Naiiyak ako dahil sa mga pinagbago niya. Yumabang na siya, naging cold na siya, parang kinamumuhian niya ako, at higit sa lahat parang wala kaming pinagsamahan.
Nang maihatid ako ni Wonu sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naglock ako ng pinto at naupo sa kama. Tuluyan na ngang bumagsak ang luhang kanina pang nagbabadyang bumagsak. Ansakit. Sobrang sakit. "Gyu kung alam mo lang na dati pa ako may lihim na pagtingin sayo." Umiiyak kong sabi. "Pero mukhang babaguhin mo yun. Hindi na ako aasa at hihiling pa na magkaroon ng tayo. Pero sana yung pagkakaibigan natin maibalik natin sa dati." Pahabol ko at tuluyan na nga akong umiyak ng sobra.
"Para saan pa yung mga katagang iniwan mo sa akin noon? Sabi mo hinding hindi mo ako iiwan. Sabi mo di mo ako sasaktan. Sabi mo pasasayahin mo ako. Sabi mo ipaglalaban mo ako? Oero bakit parang ngayon binaligtad mo ng lahat. Iniwan mo na ako, sinasaktan mo na ako, pinapaiyak mo na ako, at ngayon kinamumuhian mo na ako. Ano bang maling nagawa ko? Handa akong baguhin yun! Basta maibalik lang natin yung dati nating pagkakaibigan. Hindi kita boyfriend pero dinadanas ko sayo itong mga bagay na ito. Kaibigan lang kita pero grabe na yung iyak ko. Ganun ka kasi kahalaga Gyu! Ganun ka kahalaga!" Sabi ko sa aking isip at nawalan na ako ng lakas kaya napahiga na ako at nakatulog.
***
Nagising ako ng four o'clock ng madaling araw. Naghilamos at sipilyo lang ako, at nagbihis. Magja-jogging ako ngayon kasi maaga pa. At mamaya naman ay magkikita-kita kami sa treehouse. Nang matapos na ako. Sinalpak ko muna yung wireless earphone ko sa tenga at nagpatugtog ng 10,000 hours. Umalis na ako sa bahay at nagsimulang magjogging sa compound namin papuntang park. Sa kalagitnaan ng aking pagja-jogging nakakita ako sa di kalayuan ng isang kuting. Mukhang may lahi. Kulay Orange ang balahibo, may asul na mata, at nanginginig dahil malamig pa. "Wala naman akong hika, di din ako allergy sa pusa kukunin ko nalang ang cute kasi sayang naman pati nanginginig siya. Paliliguan ko nalang tapos iboblower ko siya." Sabi ko sa isip ko atsaka ko siya kinuha.
Umuwi na ako sa bahay at nagpalit ng damit. Kumuha ako ng tuwalyang hindi na ginagamit at tsaka ko siya pinaliguan sa lababo ng aking banyo. "Wala akong shampoo ng pusa ah kaya gagamitan muna kita ng shampoo ko. Nilagyan ko siya ng shampoo at pinabula sa kanya ito. Binanlawan ko na siya at pinunasan ng tuwalya. Tsaka ginamitan ng blower. "Ayan! Mabango ka na! Dyan ka muna sa higaan ko ah! Bibili lang ako ng cat food at ng collar mo. Pati shampoo mo. Bye!" Sabi ko sa pusa kahit di naman ako nito naiintindihan. Humiga na yung kuting sa higaan ko at natulog na.
Dumiretso ako sa Pet Shop malapit sa Compiund namin at bumili. 1 Collar na may nakaukit na Kitty, 1 kilong cat food, at animal shampoo. Pagiatapos nun ay bumili muna ako ng Almusal ko kasi nakaramdam na ako ng gutom. Dumiretso na ulit ako sa bahay habang nilalantakan ang burger na binili ko. Saktong nasa bahay na ako ng matapos akong kumain. "Good Morning Maam!" Bati ng mga gwardya namin. "Magandang umaga Maam!" Bati naman ng mga katulong namin. "Magandang umaga din sa inyong lahat!" Ngumiti ako sa kanila ata lumakad na papuntang kwarto ko.
Isinuot ko sa kanya yung collar at pinakain siya sa lumang pakainan namin ng mga pusa hinugasan ko lang. At nag-ayos na ako dahil bibili pa ako ng kakainin namin mamaya. Papaluto ko nalang sa chef namin. Tapos isasabay ko na dun ang pagtitingin ng mabibilhan ng mga kwintas. Gusto ko kasi silang bigyan ng kwintas. Bilang gift kasi ilang birthday nila ang lumupas at Pasko di ko manlang sila nabati at naregaluhan.
-------------
So yan guys! May bago akong update! Medyo lame din kasi walang pumapasok masyado sa isip ko. Bawi nalang ako sa mga next chapter! Hahabaan ko na din promise! Hahahaha!
Read. Vote. Comment. Follow
-KittyKeun
BINABASA MO ANG
Secret Feelings | Mingyu
FanficWe're friends simula nung 5 years old pa lang kami. Not up until now. He changes a lot. Parang ako, I changed pero hindi katulad ng pagbabago niya. Anlayo niya sa dating siya. At anlayo ng dating pakikitungo niya sa akin, sa pakikitungo niya ngayon...