PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 4
AiTenshi
Feb 23, 2020
Part 113: Ang Kapayapaan ng Puso
NARDING POV
"Narding.." ang boses na aking narinig na gumising sa aking pag kakatulog.
Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na lugar at ang tanging liwanag lamang na aking nakikita ay ang gintong liwanag na nakabalot sa aking hubad na katawan. Nakalutang ako at yakap ko ang aking sariling tuhod na parang isang fetus. Pinag halong lamig at init ang aking nararamdaman noong mga oras na iyon. Hindi ko maunaawan basta ang alam ko lang ay huminto na para sa akin ang lahat.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay may narinig akong isang yapak na palapit. "Narding, oras na para ikaw ay mag tungo sa liwanag." ang wika ng isang pamilyar na boses at dito nga ay nakita ko si Rashida na naka suot ng pinag halong puti at gintong damit, nag liliwanag ang kanyang katawan at nakaka silaw itong pag masdan.
Hinawi niya ang kadiliman at dito ay lumabas ang liwanag. Ang madilim na paligid ay naging luntian. Lumapit siya sa akin, ngunit ako ay nanatiling naka talungko at ibayong takot ang nararamdaman. Inabot niya ang aking kamay ngunit umiwas ako. "Narding, huwag kang matakot. Ligtas ka dito." ang wika niya habang naka ngiti.
Marahan kong inabot ang kanyang kamay at dito ay nag karoon ako ng saplot sa katawan. Isang puting pajama na may burda ng ginto at gayon rin ang aking suot na kamiseta. "P-patay na ako diba? Nabigo ko ang lahat." ang wika ko.
Tumabi siya sa akin at ginusot ang aking buhok. "Totoo ngang patay kana at ngayon ay nandito ka sa aking paraiso. Pero alam kong ginawa mo ang lahat para mag tagumpay at kung minsan ay hindi talaga nagiging sapat kung ano ang ibinibigay natin. Iyon ang nagiging dahilan kaya't kinakailangan subukan natin ulit ang isang bagay para mapag tagumpayan natin ito." ang sagot niya.
Natahimik ako ng sandali at napatingin sa kalayuan..
"Busilak ang iyong puso para isakripisyo mo ang iyong sarili para sa kapakanan ng iba. Ang totoo noon ay si Irano talaga ang naka takdang mag sakripisyo ngunit ikaw ang tumayo sa kanyang lugar."
"Dahil maraming dapat gampanan si Irano, maraming umaasa sa kanya. Sino ba naman ang makaka alala kay Narding?" ang natatawa kong salita sabay kuha ng bulaklak sa lupa at saka ko ito pinalipad sa hangin.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...