PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 4
AiTenshi
Feb 25, 2020
Part 116: Lupain ng Anghel 2
NARDING POV
Habang hawak niya ang naturang enerhiya ay biglang umapaw ito na parang kumulo noong lumapit sa akin. Dito ay tumaas ang energy level ng kanyang mga aparato na kanyang ikinagulat. Nataranta siya at muling ibinalik ang enerhiya sa lalagyan. "Bakit ganoon? Noong ilapit ko sayo ang enerhiya at parang nag karoon ito ng buhay." pag tataka niya.
"Baka naman nag kataon lang." ang sagot ko habang naka tingin sa enerhiya. "Ito ang kailangan ko." ang bulong ko.
"Ha? Bakit kailangan mo iyan? Hindi pa ito nadedevelop, lalakas lamang ito kung mailalagay sa isang sandata. Sinubukan ko sa isang espada, baril o kahit saan. Hindi ito umuubra, nasisira lamang ang mga metal." ang wika niya habang nakatanaw sa enerhiya.
"Sa tingin ko ay kailangan ng mas matibay na mineral upang mailagay mo ang enerhiya doon at magamit." ang wika ko.
Napakamot ito ng ulo. "Mineral? Katulad ng ano?" tanong niya
"Katulad ng isang puting bato? Isang bato na kapag nilunok ay mag bibigay ng isang kalasag sa taong gagamit nito." ang wika ko.
Napaisip siya. "Tama ka Narding! Matibay ang bato ng planetang Adran. Maaari ko itong gawing sandata. Teka paano mo naisip ang ganyang bagay?" tanong niya na may pang uusisa.
"Hindi ko alam, basta pumasok lang ito sa isip ko."
Natawa siya. "Kung sa bagay, kung minsan ang pinaka simpleng ideya na naiisip natin ay ang pinaka maganda sa lahat. May mga bagay na hindi kailangan gawing komplikado, tama ba?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasiaAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...