Araw-araw kitang nakikita
Nasusulyapan kahit malayo nga
Pero sadyang kay lupit ng tadhana
Ako'y naiwan at ika'y may kasamang ibaPalagi kong iniisip sa sarili
Tigil na bago maiba at maging pagsisisi
Kailangan ng wakasan
Ang pag-ibig kong nabalot ng kalungkutanYan ang mga salitang nakaukit
Sa isip at damdamin kong nagkakasakit
Na ayaw akong patulugin sa gabi
Dahil sa pag aakalang may pag asa pang muliNgunit aasa na lang ba ako
Kung ang kapalit ay hindi sigurado ?
Dito na lang ba hahantong
Ang pag-aakalang may ikaw at ako ?Ang sakit lang isipin
Na ikaw ay nasa iba nang piling
Nandito nga ako para mahalin ka
Pero ano ang yung ginawa? Dinurog durog mulang ang puso kong paulit ulit na minahal kaHanggang sa ito'y naging bato
Isang uri ng bakal na kahit gaano mo pa gustong balikan, may nakaharang ng milyon-milyong sarado
Gaano mo pa kayang ibalik
Wala ng pagkakataon kundi ang mapaiyak na lang dahil sa sakitYan ang aking naramdaman
Ang pilit kong binabawalan
Dahil alam kong sa sarili
Ako pari'y masasaktanAlam kong wala na akong laban
Dahil nandito nga, nakaupo at nagmamasid sa inyong dalawa
Sana nga kaya kong ibalik ang panahon
Na ika'y walang mahal at ako'y iyong minahal din ngayon