Chapter 5: Bago

34 4 0
                                    

"hayst! inaantok na ko!" mahinang sinabi ko kay Eline. Habang nagkakagulo nanaman ang aming buong silid. Wala namang bago doon, pero nanibago ako ng nakita kong iniikot ng mga kaklase ang mga upuan pabilog.
"Anong meron?" tanong ko. Kay Patrish, kase she's the president of this class. "Hmm, gagawa tayong pt (performance task)." tugon nya.
"pt saan?" dugtong ko pa. "Edi saan pa! Edi sa Mapeh lagi nmn tayong maraming pt dun ih." sagot saakin ni Patrish.

Agad ako bumalik sa puwesto ng aking upuan at gumaya narin ako sa paglalagay ng mga ito sa gilid ng aming silid. Maya maya pa at pumasok si Marcus dala dala ang mga materials nagagamitin para sa paggawa ng aming costume. Nakita kong nahihirapan si Marcus sa pagbibitbit ng mga materials kaya naman agad akong lumapit sa kanya at hiningi ang iba nyang dala dala para mapadali ang mga ginagawa nya.
"Salamat!" tugon ni Marcus.
"Wala iyon. Ano pa bang ibang kailangang gawin? Tutulong ako! Tutal wala namn akong ginagawa, pampawala narin ng antok." tanging sinabi ko sa kanya.
"Doon kayo malapit sa aircon gawa nalang kayo ng headdress nyong mga babae." pag-uutos nya.
" Ahh sigi sigi. Yun lang pala ih."

Pag kautos sa akin ni Marcus agad kong tinawag ang mga tropa kong babae. Syempre! Alangan namn na sina Aj tawagin ko, anong malay nung mga iyon sa paggawa ng mga ito?
"Eline! Yeng! Maria! Yanna! lumapit kayo dito! Tulungan nyo ako!" maingay na pagtawa ko sa kanila.
Agad naman silang lumapit ngunit parang bubulong bulong si Yanna.
"Anu bayan! Zein! Ang ingay ingay ng bibig mo!" naiinis na sambit sa akin ni Yanna.
"Ano ba Yanna HAHAHAHHA di ka pa ba nasanay dyan?! Eh parang araw araw na nagtitinda ang boses nyan sa palengke aba!" Tugon ni Yeng sa kanya.
" HAHAHAHAH! tulungan nyo nalng ako dito." sabe ko
"ano ba kase yan?" tanong ni Eline.
" Gagawa lang naman tayo ng headdress para sa Mapeh natin ih. Tara na! Simulan na natin para mas madami tayong magawa bago pa dumating ang ating guro sa susunod nating klase." Pag-aaya ko sa kanila.

Buti nalang at mababait sila. Di naman sila nagdalawang isip na tulungan ako. Aba! Grades din pala kase nila nakasalalay dito. Kaya siguro pumayag agaran ang mga iyon.

Sa tuwing may gagawin kaming mga pt/projects, di mawawala diyan ang pakikipagkwentuhan.

"So ano na nga? Ano na ngang meron sa inyo? Zein?" biglang itinanong sa akin ni Rose.
"Oo nga! Oo nga!" dugtong pa ni Marian.

Grabe talaga tong mga kaibigan ko! Ang chichismosa! HAHAHHAHA.

"Jusmiyo! Bat nyo ba ipinagtatatanong yang mga yan?" tanging sambit ko sa kanila.
" eh basta! sumagot ka nlng!" pagmamadali sa akin ni Yeng.
" Alam nyo na man na matalik na magkakaibigan kami dba?"
"oo, eh anong meron dun?" tanong ni Rose.
"Ayokong masira yun! Ayokong mawala din ung pagkakaibigan namin ni Jane." pagpapaliwanag ko.
" eh so, anong balak mo?" Tanong sa akin ni Eline.
" Edi ano pa! Edi iuuncrush ko na siya!" confident kong sinabi sa kanila.
" Yun na yun?! ambilis namang nawala nung feelings mo sa kanya."Di makapaniwalang sinabi sa akin nila Eline.
"Hayst! So ano na ngayon?! May bago ka na bang crush?" Tanong uli ni Rose.
"hmm... meron akong natatypan ih." Medyo kinikilig pa kong sambit sa kanila.
" Pero, di ko muna sasabihin sa inyo noh. Tsaka na pag crush na ko nun. HAHAHHA!"

Curious den kayo noh? Syempre ayokong sabihin sa kanila yun muna. Pero kilala nyo ba kung sino? Syempre inde! Di ko pa nga sinasabi ih. Siya lang naman yung maputing estudyante sa room namin. I would like you to know Paulo. Wala lang nacucutan kase ako sa kanya. Pero, galing ibang section siya and nalipat siya samin. So, medyo di kami close. Medyo di ko alam kung anong pag uugali ang meroon siya. Pero, sa mga oras na nakalipas na nakakasama namin sya sa room, maganda naman ang pakikitungo nya sa amin. So, medyo type ko nga siya.

"Zein! Zein! Halika, sali ka samin." pag aaya sa akin ni Abby.
So, syempre sa sobrang kahyperan ko that time, sumali ako.
Umupo ako katabi si Abby! Kase doon nya ako pinaupo and I'm so happy happy! Kase katabi ko dun si Paulo. Wala pa kaming issue ng mga panahong iyon. So, ewan ko pero isa sa mga kasanayan ko ang pagiging clingy.

"Ano bang nilalaro nyo?" pabulong kong itinanong sa kanya.
"Paranoia" sagot nya.
"Panyayoya?! ano kaya yun?" mahinang tugon ko sa sarili ko.Pabulol bulol pa ko habang binabanggit ang salitang iyon.

Game sya, kung saan may tinotoss na coin. May itatanong sayo yung katabi mo and sasagutin mo ng paclue, pag mali hula mo sa kung anong lalabas sa coin na tinoss kailangan mong ireveal kung anong tinanong nya sa iyo. Maraming sikreto na ang nabuking sa larong ito pero wala akong alinlangang sumali dito.

Nagsimula na yung laro, nagtawanan kami. Di nmn mawawala ang pagtatawanan pag naglalaro ih. Habang tinatanong ni Jerem si Abby agad akong tinawag ni Ansh na nasa aking harapan. Agad akong lumapit dito.

"Bakit?" tanong ko.
"Pag ikaw na yung magtatanong kay Paulo, ang itanong mo sa kanya is kanino dito sa bilog yung naaattract siya."
"Ahh, sige sige." pagsang ayon ko dito.

Friends palang ang turingan namin ni Paulo ng mga panahong iyon. Nang ako na ang magtatanong kay Paulo, agad ko itong ibinulong. Tumagal ng ilang minuto bago nya ito nasagut.

"Hmm... Si Ansh." sagot nya.
"Ok." sagot ko.
Nagulat ako ng bigla silang nagingay.
"Weh? si Ansh?" tanong ni Ac.
"Oo nga si Ansh naman talaga ih." pag papaliwanag nya.
"weh? amin na." pang aasar pa ni Abby.
"ha?" gulong gulo ko di ko alam mga pinagsasabi nila.
"Si ansh ba talaga? oh yung katabi, may pahawak pa sa binti oh." dugtong pa ni Jerem.
See? ang clingy ko masyado, nagulat ako at nakadikit na pala ko masyado kay Tecson. So, agad kong tinanggal yung kamay ko at tumayo ako kase nagtayuan na sila ih. Tumawa nalang ako hanggang makabalik ako sa kinapwepwestuhan ko kanina. Kung saan gumagawa kami kanina ng pt.

Habang gumagawa ako ng pt tumabi sa akin si Abby.

"Anong sinasabi nyo kanina?" tinanong ko sa kanya.
"Kase kanina, before kita tawagin para sumali, tinanong na namin si Paulo. Tanong namin sa kanya, kanino sa bilog na aattract siya, tas ang sinagot nya is ikaw, eh wla k nmn sa bilog,kaya ka nmin pinaupo sa tabi nya kanina. Tas kanina nung itinanong mo kay Paulo na galing kay Ansh planado na nmin yun kaya nga kami nagtatawanan diba?" Pagpapaliwanag nya.

"Waleya, totoo ba yun?" tanong ko, nanlaki ang mga mata ko ng nalaman ko iyon. Yung tipong gulat na gulat talaga. Aba! Sinong di magugulat eh naaattract pala sakin yung taong kinikilala ko para magustuhan ko siya.

Dahan dahang ngumiti ang aking mga labi at sabay sabing " wow! ang galing! HAHAHAHHA!"

Sa tingin ko? May bago na ngang magpapatibok ng puso ko.

TILL I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon