Chapter 6

735 53 5
                                    

ALLIAH KEITH.

"Saan ka galing kanina? Nagclinic ka ba? Okay ka lang?" Tanong ni Pablo pagkaupo ko sa upuan nang makabalik sa classroom. Pansin kong napatingin sakin sila Daria, Keicy at Celine.

Ngumiti ako kay Pablo. "Nag-CR lang. LBM," sambit ko.

"LBM? Eh, bakit pumasok ka pa? Dapat nagpa-excuse ka, pahinga ka sa bahay n"yo. Sinabi mo na ba kay Josh 'yan?" Tanong nya. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil nanggigilid na ang luha ko.

Damn. Apektado ako! Lalo akong nahuhulog dahil sa ginagawa nya. Dahil sa pag-aalala nya.

"Liah?" Sabay tapik nya sakin kaya kumurap-kurap ako para maalis ang luha ko.

"Huh? Ah... ano, ayos lang ako. 'Wag na nating ipaalam kay Kuya," sambit ko bago muling umiwas ng tingin.

"Sure ka? Sabihin mo na lang kapag kailangan mong magpa-excuse." Mabilisan akong tumango at umiwas. Hindi na mapigilan ang luha ko sa pagtulo.

Wala na. Mukhang hindi ko na ito mapipigilan. Hulog na hulog na 'ko, Pablo. Hindi naman pwedeng layuan ko sya nang basta basta dahil lalo lang akong mahihirapan. Isa lang ang solusyon, surgery pero... ayoko. Ayokong mawala 'yung feelings ko sa kanya. Mas mabuting tiisin ko kesa mawala lahat ng feelings ko.

Ayoko eh. Ayokong mawala at malimutan 'yung pakiramdam kung paano sya mahalin. Ayoko. Kaya kahit mahirap at masakit, kakayanin ko.

"Ayos ka lang?" bulong ni Celine sakin. Nagpunas ako ng luha at tumango. She hugged me while caressing my back.

"Liah. Bakit 'di mo nalang sabihin kay Pablo?" Tanong ni Daria. Agad naman akong umiling.

"Huwag..." nanghihinang sabi ko.

"Liah, bakit hindi? Kaysa naman naghihirap ka, bakit
hindi na lang natin ipaalam kay Pablo?" Tanong ni Keicy pero umiling lang ako.

"Eh 'yung kuya mo, alam na ba?" Tanong ni Celine. Umiling ako ulit. Hindi ko din alam kung paano ipapaalam kela Kuya Josh.

"Oh, sige. Kung ayaw mong sabihin kay Pablo, kahit sa kapatid mo na lang. Ipaalam mo, Liah. Seryosong usapan ito. Buhay mo ang manganganib dito sa oras na lumala yang sakit mo," sabi ni Daria kaya napahagulgol na 'ko. Pati kaibigan ko, napag aalala ko. Pati sila, nalulungkot na din.

"Please, Liah. Kahit sa kapatid mo na lang, ipaalam mo," sabi ni Keicy saka pinunasan ang luha ko.

Dapat ba na ipaalam ko kay Kuya? Pero, ayokong pati sya mag alala sakin. Dapat kay Ate Roshan n'ya tinutuon ang atensyon nya, hindi sakin. Ayokong maging dahilan ng pag aalala nila.

Mabilis lumipas ang oras at dumating na ang lunch time. Like the usual, Pablo would walk with me. Kasabay rin namin ang mga kaibigan.

"Liah, bakit ang tamlay mo? Sigurado kang ayos ka lang?" Tanong ni Pablo habang papunta kaming cafeteria. Nasa likod lang namin sila Daria, Celine, Keicy at mga kaibigan nya. Sila Stell, Jah at Ken. Sabay sabay kaming kakain kasama si Ate Roshan at Kuya Josh.

"Ayos lang. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal. Gutom lang ito," sabi ko.

His dilated eyes looks at me. "'Di ka kumain? Bakit 'di ka kumain? Tara, kakain ka nang madami ngayon." Kumalabog na naman ang puso ko dahil sa paghawak nya sa kamay ko. Nakaintertwine pa yung daliri n'ya.

Shit. Hindi ko na kaya!

Bumitaw ako at napasapo sa bibig ko. Maduduwal ako. Shit.

"Oh? Bakit?" Tanong nya saka nilapitan ako pero hindi ko alam, tumakbo na lang ako palayo at papuntang banyo. Kailangan kong ilabas ito.

Pagpasok ko ng banyo. diretso ako sa sink at agad dumuwal. Halos mawalan ako ng hininga kakaubo ng petals. Hindi lang isa, dalawa o tatlong petal ang lumabas sakin, lampas sampu yon kaya hirap na hirap na ko.

Ilang minuto akong nakatungo hanggang sa maging maayos na ang paghinga ko. Nag angat ako nng tingin para maghilamos nng matigilan ako.

My heart beats rapidly, looking at the familiar person behind me. Napaawang ang labi ko at gano'n din ang reaks'yon n'ya.

"A-ate Roshan?" Gulat na tanong ko.

Her lips parted while shock is visible in her face.

"Liah. A-ano yon?"

Shit.

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon