“Sinong kumuha ng piso ko! Tangina ibalik niyo yon! Bibili ako e!” sigaw ko sa mga kaklase ko habang hinahanap sa sahig yung piso ko. Takte piso na nga lang nanakawin pa!
Ilang saglit pa ay nakita ko ang piso ko sa gilid ng upuan ko tsaka naka ngiting tumayo't dalidali itong ibinulsa.
“Ayaw niyo talagang ipakita ah!” galit kunwaring sigaw ko sakanila tsaka linapitan sila isa isa habang naka lahad ang kamay. “Pengeng lima! Since ayaw niyong umajin kung sino sainyo yung kumuha ng piso ko! ” galit na galit kunwaring sigaw ko at nag sireklamo naman yung iba.
“Piso lang yung nawala sayo tapos kokotongan mo kami ng tag lilima! Di makatarungan yon! ” Sabi ng pabida kong kaklase tch. Pero inirapan ko lang siya at nilapitan
"Pake mo ba ha? Ha? Pag ikaw di nag bigay masasabi kong ikaw yung pinaka taghirap dito, dahio lahat sila nag bigay na ikaw na lang yung hindi” naka ngiting ani ko at tinignan naman niya ko ng masama sabay bigay ng limang piso sakin.
Last, dahan dahan akong lumapit sa nag iisang lalaki sa sulok—nag iisang lalako sa huhay ko hihi.
'Pano ba to kahiya hihi' ani ko sa sarili.
“O-yy James, pengeng lima” mahinahong ani ko sakanya at blanko naman niya akong tinignan kaya napa ngiwi ako.
“Ang kurakot mo masyado, araw araw ka na lang nanghihingi sakin ng lima, nakita ko kayang nakita mo na yung piso mo. ” tuloy tuloy na ani niya kaya nagulat ako.
'Like what the hell, nakita niya pala!' ani ko sa sarili ko.
"Kung ayaw mo ayos lang hehe.” sabi ko sabay talikod sakanya.
“Dyan ka magaling di mo man lang ako pinapatapos sa mga sinasabi ko! Bumalik ka rito! ” sigaw niya kaya napa hinto ako.
“Lagi ka na lang nangungurakot ng pera, hindi ba pwedeng ako naman yung hingin mo? Ibibigay ko naman ng buong buo yung sarili ko sayo. Kung gusto mo iuwi mo pa.” tuloy tuloy na ani niya kaya napuno ng hiyawan ang buong classroom namin at napatungo naman ako sa hiya.
“oy, tumingin ka sakin, sabihin mo sakin ngayon na sayo na lang ako” utos niya sakin na di ko man lang namalayang nasa harapan ko na pala siya. Kaya naman kahit na namumula dahil sa hiya ay hinarap ko siya.
“S-sakin ka na lang” utal na ani ko.
"Matagal na kong sayo. Di mo na ko kelangang hingiin kasi iyong-iyo na ko. ” ani niya na nag pakilig nanaman sa lahat tsaka ako hinila palabas ng classroom.
“Hoy san mo ko dadalhin! ” nabibiglang sigaw ko sakanya pero tumingin lang siya sakin ng nakangiti.
“Sa bahay niyo, mag papaalam ako sa parents mo kung pwede ba kitang ligawan.” sagot niya.
'Oh my ghaaad! Ma, Pa, wait niyo kami dyan ng asawa koooooooo! '