LOA S4 Part 118: Ang Pinaka Malakas na Sandata

1.1K 79 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 26, 2020

Part 118: Ang Pinaka Malakas na Sandata

NARDING POV

Patuloy akong nakapikit habang unti unting bumabalik ang aking katawan sa orihinal nitong porma. Halos nakapalibot sa akin ang aking liwanag na parang isang ibong pheonix na umangat mula sa kanyang sarili niyang abo. Ngayon ay mas nararamdaman ko ang lakas sa aking katawan nag uumapaw ito at nag bibigay sa akin ng pag asa. Alam kong wasak na buwan, sira na ang lahat. Nakita ko kung paano lumaban ang aking mga kasamahan kahit wala na silang natitirang lakas..

Noong sandaling imulat ko ang aking mga mata ay sumibat ang malakas na enerhiya sa palad ng kalaban. Pero hindi ako natinag, itinaas ko ang aking palad at sinalo ito saka muling ibinalik sa kanya. Tumama ang kanyang enerhiya sa kanyang sarili at sumadsad ang kanyang katawan sa mga batong nawasak galing sa buwan.

Humarap ako sa aking mga kasamahan. "Sorry kung natagalan ako. Ipaubaya niyo na sa akin ang labang ito." ang wika ko sabay tayo.

"Narding.." ang pag tawag ni Irano

Humarap ako sa kanya. "Bakit?"

"Maraming salamat sa pag salba mo sa akin, utang ko sa iyo ang buhay ko." ang wika niya.

Ngumiti ako at sumagot. "Mag kakaibigan tayo at parang mag kakapatid. Hindi natin maaaring pabayaan ang isa't isa. Maraming salamat rin sa inyong apat, lalo na inyong dalawa, Irano at Jorel." ang sagot ko at dito ay bumalik sa aking isipan ang sinabi ng mga taga planetang Yurya sa akin.

FLASH BACK

"Bakit ba nag aapura kayo?" tanong ni Cookie.

"Dahil unti unti nang nawawasak ang aming planeta. Doon nakatugon ang aming mga buhay. Kapag tuluyan ito sumabog ay mawawala na rin kami! Narding gawin mo ang lahat upang manalo. Huwag kang mag alala dahil dalawa sa iyong kasama ay malakas at nasa lebel rin ng Diyos ang kapangyarihan. Sina Jorel at Irano ng karagatan ay maasahan mo! Huwag kang aalis sa kanilang tabi dahil sila ang mag pprotekta sa iyo." ang wika ni Gene kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang susi dito.

"Narding, maraming salamat. Hanggang sa muli, ang aming misyon ay matagumpay.." ang wika ni Asis at humarap ito sa kanyang kasama. "Kapatid, maraming salamat sa iyo." ang dagdag niya habang naka ngiti.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon