Shane
At nag-ayos na ako dahil bibili pa ako ng kakainin namin mamaya. Papaluto ko nalang sa chef namin. Tapos isasabay ko na dun ang pagtitingin ng mabibilhan ng mga kwintas. Gusto ko kasi silang bigyan ng kwintas. Bilang gift kasi ilang birthday nila ang lumupas at Pasko di ko manlang sila nabati at naregaluhan.
Nagsuot lang ako ng medyo oversized na t-shirt na kulay puti, at reap jeans na fitted, tapos sneakers na red. Nag suot din ako ng relo na kulay puti para tumugma sa kukay ng t-shirt na suot ko. Bumaba na ako pagkatapos at nagpahatid ulit sa mall. "Maam? Matanong ko lang po? Bakit di po kayo sumama kay Maam Melisia at Sir Jordan sa bagong gawang bahay niyo malapit sa school?" Tanong ni Mang Canor. Napa-isip din ako kung bakit di ako sumama. "Bakit nga ba ako di sumama? Less hassle naman dun kasi malapit sa school, tapos andun pa sila Mama. Siguro ayaw ko lang talaga o di ako sanay." Sa isip ko.
Nakita kong nakatingin sa akin si Mang Canor sa rear mirror ng kotse ko at nag-iintay ng sagot. "Siguro ayaw ko lang talaga, at di ako masasanay dun. Kasi dito na ako lumaki sa bahay namin dito sa compound. Alam kong hindi lang basta Mansion yung pinagawa ni Dad kasi umabot ng 6 months yun bago matapos. Sigurado akong Hacienda yun. Alam mo naman ako Mang Canor ayoko sa ganun. Masyadong malaki. Pati ayaw kong iwanan yung treehouse." Sagot ko. Tumango tango lang si Mang Canor hudyat na naiintindihan niya.
Naandito na ako sa loob ng Mall at naghahanap ng jewelry shop. At ng makakita ako binilhan ko sila. Bumili ako ng apat na kwintas. At naggrocery na. Bumili ako ng manok at pork chops. Bumili din ako ng pasta para pangcarbonara. At bumili ng chichirya at maiinom. Matapos kong bumili ng mga gagamitin sa pagluluto ay naisipan ko ng umuwi. Habang naglalakad papuntang exit na kita ko nanaman si Gyu na pinapalibutan ng mga babae. "Andaming babae. Grabe naman toh kagwapo." Natatawa kong bulong. Tumingin siya sa kinaroroonan ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin. At ng muli ko siyang lingunin ansama nanaman ng tingin niya. "Bakit ba laging ang sama ng tingin nito sa akin." Tanong ko sa sarili. Ginantihan ko din siya ng sama ng tingin, inirapan ko pa siya bago ako makalabas. Nakita ko si Mang Canor na nakain ng mani sa gilid ng aming sasakyan na nakapark sa parking lot.
Agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto nang makita niya na ako at kinuha ang mga pinamili ko't inilagay sa backseat ng kotse. Nagdrive na siya pauwi ng makasakay na kami. Pinadaan ko muna siya sa drive thru ng Jollibee at umorder ako ng makakain naming dalawa. Nung una ay tinanggihan niya pero di ko siya hinayaan na di kumain kasi inabot na kami ng ala-una sa pagbili. At nang matapos kaming kumain ay umuwi na kami.
Agad ko namang ipinaluto ang mga pagkain sa Chef namin dahil alas tres ng hapon kami magkikita-kita sa treehouse para ipagpatuloy ang noo'y naudlot na pagsasama-sama. Minabuti ko na ding ayusin ang treehouse at nagulat ako ng makita si Wonu na nandito na't naglilinis at nag-aayos ng gamit. "Alam mo Shane, naliliitan na ako sa treehouse natin why not palakihin natin toh. Besides we're all grown up." Suhestiyon ni Wonu na sinang-ayunan ko naman.
Saktong alas tres ng hapon ay naayos na namin ang lahat. At umorder pa talaga si Wonu ng ilang balloons para lang dito. Gumawa din kami ng colorful design sa treehouse. Nagcalligraphy pa kaming dalawa para lang mas gumanda ang treehouse. Gumawa kami ng mga Quotations para maging maganda at meaningful din ang mga efforts namin. Saktong alas tres din dumating ang dalawa at sobrang namanghaan sila sa dinatnan nila. "Kayong dalawa lang nag-ayos neto?" Sabay na tanong na dalawa at nagkatinginan. Tanging pagtango nalang ang ginawa namin ni Wonu sa katanungan nila.
Inumpisahan na naming apat ang kainan inimbita ko din ang mga katulong namin dahil sa dami ng pagkain. At pinadalhan ang mga gwardya namin. Di ko din kinalimutan ang kuting ko. Dinala ko pa siya sa treehouse at dun pinakain ng pagkain niya. Sobrang naging attractive ang pusa ko sa mata ni Wonu kaya naman bitbitniya ito at nilalaro. Matapos ang kainan ay naisipan naming magkwentuhan na. "Sabihin ko na ba sa kanila na nakita ko na si Gyu? At ang pagbabago niya?" Tanong ko sa sarili. "Siguro nga ay dapat ko na itong sabihin dahil ayaw kong magtago ng lihim sa kanila." Sinagot ko ang katanungan ko sa sarili.
"Uhm, Guys? May baluta ba kayo kay Mingyu?" Tanong ni Shua na ikinatahimik namin. Nilakasan ko na ang loob ko at sinabi na sa kanila. "Oo meron ako. Naka-uwi na siya dito sa Pinas. At sikat din siya sa SVT University. Nakita ko yun sa article ng SVT University. Pati siya yung nakabunggo ko nung nag-enroll ako. Nagulat lang ako dahil anlaki ng pinagbago niya. He is cold as Ice. And di ko alam kung may nagawa akong mali pero laging ang sama ng tingin niya sa akin. Nakita ko siya nang kasama ko si Wonu sa Korean Restaurant pero nakatingin siya sa akin ng malamig at malamlam. Nakabangga ko din siya dun nang bumalik siya papasok sa loob. At kanina. Nakita ko siyang pinalilibutan ng mga kababaihan,at nang makita niya ako ansama ng tingin niya kaya ginantihan ko siya ng masamang ngiti. Na kunwari ay di ko siya kilala." Mahabang kwento ko sa kanila. Lahat naman sila ay nakatingin lang sa akin matapos iyon. Nang biglang magsalita si Wonu.
"Ang totoo nan ay noong isang taon pa siya nakabalik. Nag-aral siya sa SVT University kung saan tinalo niya ako sa pageant na Campus Idol. 1st Placer ako at Campus Idol siya. Tinanong niya ako tungkol sa inyo at dahil di ko kayo nakakausap ang sinabi ko lang sa kanya di na tayo nagkakasama-sama. Tinanong niya din ikaw Shane kung kamusta ka na at kung ano ng balita sayo. Ang alam ko ay madami kang manliligaw pero isa lang sa kanila ang sinagot mo. Bigla nalang nagdilim yung mukha niya ng narinig niya yun. Nilayasan niya ako ng walang paalam. Kaya ganun yun. Pati sa akin inaangasan niya ako minsan kapag kasama kita Shane. Narinig ko din ang sinabi niya ng mabunggo ka niya sa Korean Restaurant. Di ko lang siya pinakialman dahil andun ka. Sorry if tinago ko yun sa inyo. Please forgive me." Mahabang kwento ni Wonu na ikinagulat ko.
"Wag kang magsorry wala kang kasalanan." Sabay na sabi naming tatlo kay Wonu. Matapos nun ay naglaro nalang kami. Naghulaan kami, nagpinoy henyo, naglaro sa PS4 at kami ni Wonu ang nanalo. Nagsaluhan kami ng bola. At kung ano-ano pang laro. Naisipan lang naming magpahinga ng mapagod na kami. Nagplano din kami kung ano pang pwedeng idagdag sa treehouse. Nagsuggest si Shua ng mga kwarto kahit maliit lang para dun kami matutulog. At isang extra room. Sabi din ni Han malaki daw ang puno at mataas kaya kayang gawin yun. Nagsuggest din ako ng parang veranda para makakasilip ang bawat isa sa langit.
Nagambagan kami ngayon para makaipon ulit ng pampagawa. Dalawang libo sa isang tao. Lahat naman kami ay galing sa pamilyang mayayaman. Nag-isip din kami ng pwede naming maging chant. At maganda naman ang kinalabasan ng bawat suggestion ng isa't isa. Nakajatuwa lang na nagkasama-sama muli kami at hinihiling naming wala ng iwanan at layuan. Matapos ng mga yun ay umuwi na kami dahil alas otso na ng gabi. At kinabukasan ay simula na ulit ng pasukan. Nakakatuwa lang dahil pare-pareha kami ng papasukang school. At hinihiling namin na maging magka-klase kaming apat.
At ng makabalik na ako sa bahay kasama ang aking kuting ay napagdesisyunan ko ng maligo at magbihis na ng pantulog na damit. Kaya naman naligo na ako at nagbihis. Naglagay din ako ng face mask sa aking mukha para kinabukasan ay moisturized na ang aking balat sa mukha. Nagpahid din ako ng moisturising lotion sa aking katawan. At natulog na katabi ang aking kuting.
———————————————
Hello guys! Another update tayo! Haha! Ayan so bet ko medyo gumanda ng unti yung story! Keep reading guys! Labyuol!
Read. Vote. Comment. Share. Follow
-KittyKeun
BINABASA MO ANG
Secret Feelings | Mingyu
FanfictionWe're friends simula nung 5 years old pa lang kami. Not up until now. He changes a lot. Parang ako, I changed pero hindi katulad ng pagbabago niya. Anlayo niya sa dating siya. At anlayo ng dating pakikitungo niya sa akin, sa pakikitungo niya ngayon...