chapter 25

121 7 1
                                    

Di ako makaimik sa tanong ni Gab.

Oo nga, what will I do? How will I explain myself kung bakit ko itinago ang anak namin? What if bigla niyang kukunin ang anak ko? I can't live without Angel, she's my life, she's all that I have hindi ako papayag na kukunin niya ang anak ko.

"B-Bakit sinabi mo ba?" I asked back.

"N-no.." sagot niyang umiiwas ng tingin.

"Then di niya malalaman." Iniisip pa lang ni Abby na mawawala ang anak niya sa piling niya ay parang guguho na ang mundo niya. Though she is a hundred and ten percent na sa kanya sasama ang anak, pero she still doubt that. Naghahanap din ang anak ng isang ama.

"I'm sorry Abby." Gab said. Biglang kinabahan si Abby sa sinabi ni Gab.

"Why is it that I have this feeling na makikita ni Angel ang ama niya?"

Di umimik si Gab. Nakatingin lang siya sa dalawang mag Tita na naliligo sa dagat.

Mahimbing na natutulog sina Gelay at Angel, pero si Abby, kanina pa di makatulog. Malakas talaga ang pakiramdam niyang inimbitahan din ni Gab si Nathan.

Alas tres na ng umaga nang dalawin ng antok si Abby kaya nang magising siya bandang alas sais ng umaga dahil sa ingay ng anak sa may terrace.

Humahagikhik ito, out of curiousity naman ay bumangon siya at sumilip sa may Terrace. Kasama niya doon si Gelay at Gab nagkakape sila.

Hmmm, ang aga naman yata gumising ni Gelay ngayon.. She thought.

Pumasok muna siya sa banyo at nag ayos ng sarili. Paglabas niya ay naabutan niya ang kapatid na may kinukuha sa cabinet.

"Aga mo yata nagising ngayon?" Tanong ko sa kanya. She saw how her face turned red. Naks! Lumalablyp.

"Umamin ka nga! Crush mo ba si Gab?"

"Hindi ah!" Tanggi niya agad.

"Sinungaling! Sa guapo ni Gab di naman impossibleng magkakacrush ka sa kanya."

Namula na naman siya. Kita mo tong babaeng to, kung makadeny..

"Oo na, crush ko siya, pero di naman pwede, alam mo na, mayaman siya eh ako estudyante pa lang.. Wala pa akong maipagmamalaki, kaya saka na pag professional na ako."

"Ahh.. kaya pala kung makapagtext ka sa kanya.."

Namula na naman ang kapatid niya. "Huh!? Sinong maysabi niyan?"

"Si Gab.."

"Sinabi niya yun? Bwisit talaga sabi ko wag ipagsabi eh.."

"Wala naman talaga siyang sinabi.. Hinuhuli lang kita.. sayo ko lang din nalaman na nagtetext pala kayong dalawa.." ngising sabi ni Abby na siya naman ikinapula ng mukha ng kapatid.

"Ate naman eh.. kainis ka!"

Natawa si Abby sa reaction ng kapatid.

"Okay lang magkacrush ka kay Gab, pero tandaan mo, kailangan may limit. Dapat alam mo kung saan ka lulugar, at lalong lalo na, wag kang ma obsess baka masaktan ka lang sa huli.. Okay?"

"Alam ko naman yun ate, kaya nga mag aaral ako ng mabuti nang mapatunayan kong bagay kami.." nakangiting sabi niya.

She hugged her sister. Narealize niya, ngayon lang pala ulit sila nakapag usap ng ganito ng kapatid niya. She was too busy from work na hindi niya na aatupag ang kapatid.

They both went outside the terrace nang maabutan nilang tinuturuan ni Gab si Angel maglaro ng chess. Nakikinig naman si Angel sa explination ng binata.

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon