*Andrei's VP*
Pagkatapos magpaliwanag ni Alex sa mga pangyayari kanina, mas lalo tuloy akong naguluhan. Diba si Jade ang ever Crush niya. Pero bakit ganun? parang anlayo naman ng treatment niya kay Jade kesa sa mga kinukwento niya.
So ibig sabihin.. "aw antanga ko naman, bakit hindi ko agad nalaman?"
"Huh? ang alin?" takhang tanong ni Alex. Aw ulit, bakit ba lumabas sa bibig ko ang mga iniisip ko?
"Ah ehh, ano, ahh" bilis Andrei isip, bilis naman. dali na.
"Ano? ano yung ngayon mo lang nalaman?"
"Ah, na ano, na naiwan ko pala yung scientific calculator ko kay Lea, oo tama, yun nga" sabay kunyaring kalikot ko sa loob ng bag ko. boom liar! wew
"Hala, oh cge hiramin mo na muna yung sa akin. Tapos naman na math namin ehh" sabay abot niya sa akin nung calculator niya.
"Salamat! buti nalang andyan ka." sabay ngiti ko sa kanya.
"Tara na" sabi niya at akmang tatayo na, pero biglang...
*blagsh
Bumukas yung pinto na ikinagulat naming dalawa!
*Alex's VP*
Dahil natatakot ako baka biglang dumating yung may-ari ng lugar na ito at baka kung anong gawin sa amin. kaya inaya ko na si Andrei na umalis.
Paalis na sana kami sa lugar na hindi ko alam kung saan, pero biglang bumukas ang pinto..
*blagsh
Nagulat kami ni Bebe, hindi dahil sa malakas na pagbukas ng pinto, kundi dahil sa nakita namin.
"Omaygad! Rated SPG" sabay takip ko ng bibig ko. napalakas ata yung sabi ko doon. Paktay!
Biglang napadilat ang babae na sa kasalukuyang nakikipaghalikan kay...
"Rios" sunod kong sabi pagkaharap niya sa gawi ko.
"What now?" Asar na sabi nung babae kay Rios.
"Lumabas ka na muna, I'll just text you na lang" sagot naman ni Rios sa kanya.
Nilingon ko si Andrei na hanggang ngayon gulat na gulat parin siya sa mga pangyayari.
"Alex anong—" hindi ko na pinatapos si Rios sa sasabihin niya. Hinila ko nalang siya palayo kay Andrei, kailangan ko pa siyang kausapin tungkol sa lugar na to.
"Rios, anong lugar ba to?" Tanong ko.
"Ah, eh studio"
"Mo?" Sunod na tanong ko
"Oo, pero it's more like.. Namin"
"Namin? You mean with your bandmates?" Omg! Jade again and again?
"Yes, pero wala naman sila dito ngayon. May klase ata."
"Good" hay buti nalang, akala ko may mga nakakakita sa amin kanina habang kumakain kami. Paano may isang closed room na may tinted glass dito, malay ko ba kung may tao. Tinatawanan ang paglamutak ko sa pagkain.
"Pero"
"Pero?"
"May CCTV dito sa loob. Kaya nakarecord lahat ng nangyayari dito." nakangiti niyang sabi.
"What?" Pasigaw ko.
"Alex bakit?" Narinig kong sumigaw din si Andrei mula sa tabing parte nitong office or studio. whatever.
"wala yun bebe, saglit lang ha." shout back ko.
Hinarap ko muli si Rios na kasalukuyang nasa may harap ng computer. Boom jackpot!
"Hey Cous, so pwede mo naman sigurong burahin yung footage kanina diba?" sabi ko kay Rios, Yes he is my cousin. pero malayong cousin. about 3rd or 4th degree cousin. well that's non sense.
"Yeah, that's too embarassing no para itago pa sa storage ng CCTV. haha" alin? ang itsura namin habang kumakain o yung kaninang rated spg?
"So, that's it." sagot ko pagkakita kong dinelete niya yung record ng footage kanina.
"Bakit ka pala napunta dito? paano mo nalaman ang lugar na to? at paano kayo nakapasok?" sunod niyang tanong.
"Nagutom kami eh kaya naghanap kami ng lugar kung saan pwedeng kumain. Sige ha may ireresearch pa ako."
"Ok Alex, keep safe"
"Thanks" sabay talikod ko, pero may naalala ako. "Oh, one thing more, wag mong sasabihin kahit kanino na nagpunta ako dito, lalong lalo na kay Jade. Sige Salamat ulit. Bye"
Nag OK sign lang naman siya kaya umalis na rin ako. Ok, everything's well and good.
*Andrei's VP*
"Tara na" sabi ni Alex habang nakangiti. At binitbit ko na din ang mga kalat namin at naglakad na rin palabas.
Ano kayang pinagusapan nila nung lalaki kanina? Hmm sa tingin ko, nakita ko na rin yung lalaking yun eh, pero hindi ko matandaan kung saan.
"Ah eh, babe? sino yung lalaki kanina?" tanong ko.
"Ah si Rios? Pinsan ko siya. Bakit?"
"Ah, siya ba yung pinsan mo na anak ng tita Melba mo?"
"Yeah" tipid niyang sagot. Hmm so siya pala yun.
Pero feeling ko, hindi ko naman siya dun kila Alex nakita ehh, Hmmm isip Andrei, kahit konti lang wag ka mahiya.
~Processing.....
"Alam ko na!"
Nagulat ata si Alex kasi biglang napahinto siya sa paglalakad.
"Hehe, alam ko na yung sagot sa seatwork namin kanina. madali lang pala, tsk. mali nasagot ko" wew amalyer na talaga!
"Hahahaha puro talaga lesson yang nasa utak mo. Oh siya, babay na!" pagpapaalam niya. Dito na rin pala kami sa harap ng gate nila.
"bye, mamaya ha, sa kubo."
"Sure thing!" sagot niya. At naglakad na palayo, ako naman naglakad na ako pabalik ng building namin.
Hay, buti nalang, so Rios pala pangalan nun. Yung kaibigan ni Jade. Hay! naguguluhan na talaga ako kanina pa, Pero tama alam ko na, may LQ si Alex at Jade. At kailangan ko silang mapag ayos. Hmm makausap nga yang si Rios minsan. I'm sure gusto rin naman niyang magkaayos yung dalawa. At tama, hindi rin pwedeng ako yung gumawa ng paraan dahil ayaw ni Alex na mabuking ko ang relasyon nila ni Jade. Tama, tama. Ang galing ko talaga!
~~~~~~~~~~~~
Next Chapter po about kay Keandrei na ulit. Yehey!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
De TodoSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...