"Mika, bakit 'di mo ginagalaw 'yang pagkain mo?"
Tanong sa kanya ni Maymay dahil lunch time nila ngayon. Isinabay siya nito ngayon dahil nalaman nitong wala siyang balak na kumain ng lunch.
Kasabay din niya ngayon ang iba pa nitong mga kaibigan na sina Mariz, Kylie, Xanna at Dani.
Si Mariz ay ang matalik na kaibigan niya noong elementary siya. Si Kylie naman ay naging kaklase niya noong grade nine habang sina Xanna at Dani ay ngayong grade 10 lang niya naging mga kaklase.
Nandito sila ngayon sa paboritong kainan ng mga ito. Maraming kumakain dito na galing sa iba't ibang school, tutal ay ang kinatatayuang lugar nito ay napapalibutan ng tatlong schools.
"Wala akong gana eh"
Matamlay na sagot niya dahil hindi na naman umattend ng klase si Brent ngayong araw. Busy na naman ito para sa practice ng theatre play.
"Nako! Mika, hindi healthy 'yan! Bakit ba wala kang gana?"
Tanong sa kanya ni Kylie at bumuntong hininga na lang siya.
"Isa pa itong si Xanna, kanina pang tulala"
Pansin naman ni Dani kay Xanna na hindi rin ginagalaw ang pagkain nito dahil nakatingin lang ito sa kawalan.
"Iniisip kasi n'yan ang ultimate crush niya na si Brent tsaka ano bang bago kay Xanna? Lagi naman talagang tulala 'yan"
Natatawang sagot ni Maymay at nagtawanan naman ang iba pa niyang kasama sa lamesa.
Crush na crush nga pala ni Xanna si Brent pero kahit minsan ay hindi man lang ito pinagtuunan ng pansin ni Brent.
"Mika, alam mo ba kung nasaan si Brent ngayon?"
Tanong sa kanya ni Xanna at kumibit balikat naman siya.
"Ewan ko pero for sure, nasa practice 'yon"
"Close na close kayo 'no? Nakakainggit talaga kayo lalo na kapag magkasama kayo. Sobrang saya niyo lalo na si Brent"
Tila naiinggit na sabi ni Xanna at mahina naman siyang natawa saka umiling-iling.
"Masaya naman talagang kasama si Brent"
"Buti nga at nakakasama mo si Brent eh"
"Si Brent ba ang pag-uusapan natin? Bakit kaya 'di muna tayo kumain 'no?"
Sabi ni Mariz at nagsimula na siyang kumain. Matapos kumain ay tumayo muna siya para kumuha ng tubig sa water dispenser.
"Kukuha lang ako ng tubig"
"Mika, pakikuha na rin ako"
Sabi ni Maymay at tumango naman siya saka nagpunta na sa water dispenser.
Hawak-hawak niya ang dalawang baso sa magkabilang kamay niya na ngayon ay may laman ng tubig.
Habang naglalakad siya pabalik sa lamesa nila ay hindi inaasahang natabig iyon ng isang lalake na nakasuot ng uniform ng St. Fronce.
Medyo natapon iyon ng kaunti ngunit laking pasalamat naman niya ng ang braso lang niya ang nabasa at hindi ang uniform niya.
Umaasa siyang magsosorry ang lalakeng nakatabig sa kanya ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
"Wala ka bang balak magsorry?"
Tanong niya dito saka ipinatong muna ang hawak niyangga baso sa isang lamesa na katabi nila at kinuha ang panyo niya mula sa bulsa ng palda ng uniform niya para punasan ang nabasang braso niya.
"Sorry"
Sabi nito na wala man lang bakas ng sineridad. Napaamang na lang siya saka umiling-iling.
"Sama ng ugali, cute ka pa naman""
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"