"Class dismissed." Anunsyo ng Guro na parang musika sa tenga ng mga estudyanteng tamad mag-aral. Pati kay New ay musika din ito, bakit? Dahil anunsyo ng Guro ay dalawang bagay ang nagbibigay saya sa kanya. Una, makakapagpahinga siya at pangalawa ay makakatambay siya sa "Sanctuary" kung tawagin niya.
Nang makadating na sa lugar na kanyang pakay ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto nito. Takot na makagawa ng munting ingay na maaaring makaistorbo sa mga tao sa loob. Pagbukas pa lamang ay napangiti na si New, nilibot ng kanyang paningin ang kabuoan ng loob ng pintong binuksan niya. Hile-hilerang libro ang nasa harapan ng natutulog na Librarian. Malalaking bookshelves at ang mahahabang lamesa kung saan maaari kang maupo at tahimik na magbasa. Gusto talaga ni New na laging nagbabasa sa kanilang School Library. Gusto niya ang amoy ng mga lumang libro, ang ingay na ginagawa ng mga libro kapag nililipat ang pahina, ang tunog ng gulong ng trolly pag binabalik na ng librarian ang bawat librong naisuli ng mga estudyante na nanghiram at ang malamig na hanging binubuga ng air-condition. Wala na atang mas mapaya pa sa araw na iyon para kay New.
Hawak ang isa sa paborito niyang libro ay tinahak niya ang daan patungo sa paborito niyang pwesto na kung saan ay mag-isa lamang siya. Wala atang gustong umupo sa pwestong napili niya. Una, dahil nasa dulo ito at pangalawa ay dahil sa kumakalat na kwentong pinamumugaraan daw ito ng multong tinawag nilang "Cassandra" sa para kay New ay nakakatawang kwento. Sino ba ang maniniwala sa multo.
Tahimik lang na nagbabasa si New at walang pake sa paligid niya. Wala siyang pake kahit pa nakikita niya ang dalawang lalaki na halos maghubad na sa sobrang intense ng apoy na namamagitan sa kanila.
"Ugh~ Papii. May tao dito."
"Yeah, may tao dito na walang pake sa ginagawa niyo." New thought.
"Hayaan mo siya. Sa tingin ko naman hindi niya tayo pakikialaman."
"Buti alam mo, sino bang gustong manuod sa kahalayang ginagawa niyo." New thought.
"Pero kasi Papii~ teka nakikiliti na ko. Hihihi!"
Gusto ni New na pasakan ng busal yung elf na nakasandal sa isa sa mga bookshelf. Naiirita si New sa ingay na ginagawa nila na kung may respeto pang natitira sa katawan nila ay hihinaan nila dahil una, nasa library sila at wala sa motel at pangalawa ay dahil nagbabasa siya. Kung hindi ba naman sila bulag isa pa napakalaki ng signage na nasa labas ng pinto bago ka pumasok sa library "Keep quiet". Sa huli ay napagpasyahan niya na lang na pasakan ang tenga niya ng earphone at magpanggap na nakikinig ng tugtog para lang hindi niya masigawan ang mga "Istorbo" nasa gilid at ilang metro lang ang layo sa kanya. Babalik na sana si New sa pagbabasa niya kung hindi lang nag-vibrate ang cellphone niya tanda na oras na ulit ng klase at Kailangan niya nang magpaalam sa "Sanctuary" niya.
Halos magdabog na nagligpit si New ng mga gamit niya at basta na lang pinasok sa bag niya. Isang matalim na tingin muna ang iniwan niya bago dali-daling naglakad palabas ng library.
"What's the problem with him?"
"I don't know. Should we continue?"
"Gustuhin ko man pero Papii oras na ng klase. Tapos na ang break time."
"Sino bang nagpauso ng klase na yan. Gusto kong paslangin."
-CLASSROOM-
"Okay, class. Before i start our lesson. I would like to first introduce your new classmate. He came from the school named "Stanford University" na sister school ng school natin. I hope you'll treat him as one of your friends kahit na sobrang late na siyang na-enroll."
BINABASA MO ANG
WITHIN HIS CLAW
Fanfiction"𝑊ℎ𝑎𝑡 𝑎𝑟𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑟𝑒𝑎𝑑𝑖𝑛𝑔?" "𝐴 𝑏𝑜𝑜𝑘 𝑡𝑖𝑡𝑙𝑒𝑑 '𝐻𝑜𝑤 𝑡𝑜 𝑔𝑒𝑡 𝑟𝑖𝑑 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜'𝑠 𝑏𝑒𝑖𝑛𝑔 𝑎 𝑛𝑢𝑖𝑠𝑎𝑛𝑐𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑦 𝑝𝑒𝑎𝑐𝑒𝑓𝑢𝑙 𝑙𝑖𝑓𝑒' ." "𝐴𝑟𝑒𝑛'𝑡 𝑦𝑜𝑢 𝑏𝑒𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑟𝑠ℎ?" "𝐼𝑓 𝑖 𝑠𝑎𝑦 �...