--------------
CHAPTER 2ALDI'S POV
Hindi ko kasi napigilan ang aking sarili na mapako sa kanyang itsura. Ganun naman talaga 'diba. Kapag sobrang focus ka sa isang bagay ay hindi mo na napapansin ang nakapaligid sayo at 'yan ang nangyari ngayon lang.
Ang tange ko, nakakahiya!
"Haa? Ba-Bakit?" Utal kong tanong.
"I'm Gabriel" He offered his hand to me. Hindi ko alam kung aabutin ko ba ang kamay niya pero sa huli'y nakipag-shake hands ako.
"A-Aldi," pagpapakilala ko.
Ngumiti ito sa akin na naging dahilan ng pag-dagundong ng aking dibdib sa kaba. 'Di ko mawari kung ba't ako kinakabahan.
"Aldi pwede bang magbahagi ako ng mga salita ng diyos sayo kahit 10 minutes lang?" Tumabi ito sa akin sa bench.
"O-Okay lang naman"
Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Kinakabahan ako at ang lakas ng pintig ng puso ko na para bang may hinahabol ako na kawatan.
Alam niyo kung sino 'yung kawatan? Si Gab. Siya ang nagnakaw ng puso ko waaah!Okay enough.
I'm just kidding. That's impossible. I do not believe in love at first sight because I know na kathang-isip lang yun. Napaka-imposibleng mahalin mo ang isang tao sa isang tinginan lang. Siguro romantic interest at first sight ay maniwala pa ako.
Isa pala siyang servant sa kanilang simbahan. Nakinig lang ako sa kanya habang nagbabahagi siya ng mga salita ng diyos. I'm just listening while staring his symmetrical face.
"Some people think that in order to give their lives to the Lord, they must first become better than what they already are, so they continue on their useless and ineffective way, preparing, trying to convince themselves that, 'Bukas, Magbabago ako'
At mali yun, why bother waiting to be a better person? when you give your life to God, he will help you to be better and to be good," panapos na wika ni Gab sabay kuha ng Invitation Card sa bulsa niya at ibinigay sa akin."I'm inviting you Aldi to our church, God's Kingdom. All informations are at the back of that card. May phone number din ako d'yan sa likod ng card. Thank you for spending your time listening the good news of God Aldi. God bless" ngiting sabi niya.
Ang sarap pakinggan na binigkas niya ang aking pangalan. Lalaking-lalaki ang boses pero ang sweet parin pakinggan.
"Thank you rin Ga.." nahihiya akong banggitin ang pangalan niya. Baka sabihin niya na ang feeling close ko.
"Just call me Gab" pinakawalan niya ang ngiting nakaka hulog-panty.
Mabuti at matibay ang garter ng panty ko. Jk 'di ako nagpa-panty.
"Thank you Gab"
"Walang anuman. Alis na ako Aldi, see you Tomorrow" pagpapaalam nito sa'kin at umalis.
Mayamaya ay dumating din si Ricardo.
"Al, pasensya na natagalan ako kasi ang daming naka-pila eh," pagbibigay paliwanag niya.
"Lokohin mo ang kapit-bahay niyo. Alam ko na ang mga galawan mo," taas kilay kong sabi.
Out of nowhere ay nagtanong siya sa'kin na ikinagitla ko. "Al naka move-on kana ba?"
"O-Oo naman, matagal tagal nadin" sabi ko sa kanya habang tinatanaw ko ang aking nakaraan.
Pauwi na ako no'n sa apartment na tinitirhan ko. Kasama ko ang partner ko na si Lucas doon sa apartment. Galing ako sa Uni dahil may sinubmit ako na mga requirements. Habang ako ay nasa harapan na ng aming apartment ay kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
Ficción GeneralMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...