****
[Lexine's Point of View]
"D-Do I k-know you?" tanong ko kay Kevin habang derechong nakatingin sa mga mata niya. Hindi siya makasagot sa tanong ko at nakatitig rin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit napaniginipan ko ang pangyayaring yun at hindi ko alam kung bakit nandun si Justine, Vince at Sabina sa panaginip ko lalong lalo na si mommy. Gosh! Nalilito na ako!
Akmang magsasalita na si Kevin nang biglang bumukas ang pinto atbumungad doon ang pawisan na si Justine. Kasunod nito si Danica at si Kurt. Mukhang galing sila sa laro. SA LARO! OMYGHAD!
Nanlaki ang mata ko at kaagad akong bumaba sa kama at kinuha ang mga gamit ko. Inayos ko din muna ang sarili ko bago ako pumunta patungo kay Justine at hinila siya ngunit bigla niya rin akong hinila dahilan para tumama ako sa dibdib niya. Then out of nowhere, he encircled his hand around my waist. He is hugging me. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko sabay bulong ng, "I'm so fucking worried."
I hugged him back at hinimas-himas ko ang buhok niya. "I'm sorry."
He sighed. "You should've told me."
I nod. "I'm sorry."
Finally, humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Maya-maya ay ginulo niya ang buhok ko at pinisil ang pisnge ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero mahina lang siyang tumawa.
"Okay ka na ba?" kapagkuwan ay taning nito sa akin. Tumango naman ako.
"I'm perfectly fine. Kaya halika na, hindi pa tapos ang laro niyo, gusto ko sumali ka doon tapos ichecheer kita." nakangiting wika ko. Tumawa naman siya.
"Look at you, hindi maganda ang nararamdaman mo at lahat lahat, yung championship pa rin namin ang iniisip mo." anito at ginulo muli ang buhok ko.
I glared at him. "Ano ba! Stop messing my hair!" mataray na wika ko dito. Tumawa naman siya at inakbayan ako tsaka tumingin kina Kevin, Clark, Danica and Kurt.
"Mauna na kayo. Susunod kami." aniya at tumingin kay Kevin. "Thanks, bro." nakangiting wika nito atsaka sumeryoso. Tumango lang si Kevin at tumingin sa akin.
"Take Care," anito at umalis na. Agad naman na sumunod sa kanya si Clark na biglang hinablot si Danica. Nanlaki ang mata ni Kurt at kaagad na sumunod sa tatlo. Geez! Bakit parang may Love Triangle na manyayari? Tsk.
Tumingin ako kay Justine at ganon na lamang ang gulat ko nang nakatingin din pala siya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Anong binabalak mo?"
He smirked. "Nothing." atsaka siya tumawa. I smiled as we walk palabas ng clinic.
Nang makalabas kami ay ipinalibot ko ang paningin ko. Nasa SubClinic (Subdivision Clinic) pala kami. Siguro noong nawalan ko ng malay ay dinala ako kaagad dito ni Kevin. Pero, bakit nga kasi ako nanaginip ng ganoong panaginip? Si Kevin, Justine, Vince at Sabina at si Mommy. Wait, bakit parang naaalala ko yung mukha ni Mommy? Kasi sabi nila Tita Shannon sa akin, namatay si Mommy noong ipinanganak ako. At bakit, nandoon si Sabina sa pamaginip ko? Panaginip nga ba? O isang ala-alang nawala? Shit. I should ask my Tita Shannon for this.
"Justine." tawag ko at tumingin ulit sa kanya ngunit noong oras na tumingin ako ay hinalikan niya ako sa lips! What the! Smack lang yun pero ang laki ng epekto sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata! Ang daming nakatingin sa amin ngayon kasi nasa labas na kami ng subdivision! Pati rin si Manong Guard ay nakitawa na rin!
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."