Jade Pov
Natapos na kaming kumain at nauna na si redge sa kanyang kwarto at ako naman ay tumayo tyaka tinulungan ang mga ibang katulong sa pagliligpit ng mga nagamit na kubyertos sa hapag kainan, sinasabi pa nga nila na kaya na nila itong gawin pero nagpumilit ako at nakulitan sila sa akin kaya nakangiti na lang silang hinayaan ako sa aking pagliligpitAt ng natapos na namin ang aming ginagawa sa kusina ay naisipan kong lumabas sa bahay at nakita ang harden na nasa gilid ng mansyon, pumunta ako doon tyaka ko pinagmasdan ang mga magagandang bulaklak, lalo pa at nanggagaling ang liwanag sa bilugang buwan
Nagsimula akong umawit ng isang kanta at dahil sa kapangyarihan ng aking tinig ay sumayaw ang mga bulaklak na parang naririnig nila ang aking boses at ang ganda lang tignan
Nilabas ko ang litrato ng aking ama at ina tyaka ko pinagmasdan ang kanilang mukha, sadyang hindi maikakaila na sila talaga ang mga magulang ko
Ina at ama nandito ako ngayon sa puder ng lalaking mamahalin ko habang buhay, sana mahalin nya din ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya
Naramdaman ng aking katawan na lumalamig na ang simoy ng hangin kaya naisipan ko nang pumasok sa mansyon at nagderetyo sa aking bagong silid
BINABASA MO ANG
The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETED
Fantasy(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Dalawang magkaibang mundo, na nahulog sa pagmamahalan nila ng tudo, itutuloy ba nila? O isusuko na lang nila bigla? Pag-ibig na di maipaliwanag Lalaki na saksakan ng kagwapuhan Saksakan ng kayabangan Pero may kunting...