Chapter 6

143 5 4
                                    

It's for you Mara Danielle.

Friend/classmate ko sya ng highschool at College. Hehehe...

Nang dahil sakin napilitan syang mag wattpad >:D MwAh!!

VOTE! COMMENT! LIKE! at FAN sa may gusto. THANKS :))))))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Muntik nang malaglag sa kama si Rhian kaya agad ko syang nahagip. Nasa ibabaw nya ako. Halos ilang inch nalang ang pagitan ng mukha namin. Nakatitig kami sa isat isa, ramdam ko yung heartbeat nya ang bilis. Damn Shit! Gusto ko syang halikan. Napapikit sya ng unti unti kng ilapit ang labi ko sa kanya. Di pa naman nakakalapat napatingin ako sa ipad na nasa tagiliran ng ulo nya.

“HAHAHAHAHA!”

Yon pala ang tinatawanan nya, ang mukha ko. Pero nakakatawa naman talaga. Humiga ako sa tabi nya at tumatawa padin. Tumingin sya sakin saka sinabayan ang pagtawa ko.

“Hindi ka galit?” tanong nya.

“No, dapat ba akong magalit? Actually, you made my day. Nagyon nalang ulit ako tumawa ng ganito.” Sagot ko saka tumingin ulit sa mga inedit nya at sabay namin yung pinagtawanan.

Honestly, ngayon nalang ulit ako tumawa ng ganito kasaya. Yes I’m smiling, but it’s fake I know. Simula ng maaksidente sina Dad, kuya and his wife, nawalan na ako nang gana sa lahat. Kung hindi lang dahil kay Andrei baka sumunod na ako sa kanila. Maaga din kasi kaming iniwan ni Mom, sobrang hindi ko yun matanggap, halos 2 years akong hindi nagsalita nun. Si kuya ang naging inspiration ko para bumalik sa normal. He’s my bestfriend, busy kasi si dad sa business that time dahil sa pagkawala ni mom, binuhos nya lahat doon ang sakit na nararamdaman nya.

Nasa Training ako noon nang maaksidente sila, kaya nang mabalitaan ko ang nangyari agad akong nagpunta sa hospital. Dead on arrival na si Cecil and Dad.

~Flashback…

Nakita kong duguan si Kuya habang ipinapasok sa hospital. Nasa kotse palang umiiyak na ako. Lumapit ako sa kanya, F**k! Bakit sila pa.

“Kuya, kuya… Kaya mo yan. Please kuya!” nanginginig ang kamay ko.

Bahagyang nagmulat ng mata si kuya. Hinawakan nya ang kamay ko.

“I-ikaw… na… ang bahala… sa k-kanya…” Pagkasabi nyang yon, tinulak na ako nang mga nurse at pinasok na sya sa ER.

Napasuntok ako sa pader! Nakita ko si Andrei buhat buhat nang nurse at umiiyak. Ilang oras kong inintay lumabas ang doctor sa ER, kalong kalong ko si Andrei. Nagdadasal ako na sana walang mangyaring masama kay Kuya dahil di ko yata kakayanin, sila nalang ang natitira sakin.

Lumabas ang doctor sa ER at umiling sakin. Nanlambot ako. Di ko alam ang gagawin, napahawak ako sa bibig ko at humagulgol ng iyak. No! Hinalbot ko ang kwelyo ng doctor.

“Damn! No! Hindi yan totoo! Buhay pa sya diba?!! Buhay pa si Kuya!!! SABIHIN MO!!” Sigaw ko sa kanya. Inaawat ako ng mga nurse.

Narinig kong umiyak si Andrei at paulit ulit nyang sinasabi ang “mommy, daddy” Napatingin ako sa kanya, naalala ko ng araw na iwan din kami ni Mom, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Ang sakit! Bakit sa dami dami ng tao sila pa? bakit? Tang*na naman! Bakit lahat nalang ng mahal ko sa buhay kinukuha mo agad! Bakit?! Sana ako nalang! Ako nalang sana!! Hayop! Wala kang awa.

It Takes Two  < ONGOING >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon