2 years ago
Today is our fifth anniversary. Nandito kami ngayon sa rooftop to celebrate.
Hanggang ngayon sobrang saya ko dahil hindi pa din ako makapaniwala na ako ang asawa ng babaeng pinapangarap ko lang noon.
She's so kind, smart and beautiful. Para saakin sya na ang pinaka perfect na babae sa mundo.
"Papangalanan kong mina and andrew ang magiging babies natin" masayang sabi nya. Nakahiga kami dito sa rooftop. Nakatingin sa bituin at sa sobrang liwanag na buwan.
Ang sarap sa pakiramdam.
Niyakap nya ako at pumikit sya.
"Love? Am i beautiful?"
"No"
"Ay. Am i cute?" She giggles.
"No"
"Bakit naman?" I know she's a lil bit disappointed.
Humarap ako sa kanya at hinalikan ang noo nya.
"For me you are perfect" niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit.
"Ilang years na tayo. Sana ikaw na hanggang pag tanda ko. Sana hindi ka makahanap ng iba" sabi nya habang yakap ako.
"I wont love. Iloveyou so much" at nanatili akong nakatingin sa kalawakan.
Saksi ang langit
Saksi ang mga bituin
Saksi ang ulap
Saksi ang buwan
Saksi ang panginoon
Kung gaano kita kamahal.
----------------
Today is our seventh anniversary and im happy kase walang pag babago kung anong meron tayo. Malayo ka nga lang saakin pero asahan mo na mahal pa din kita hindi mag babago yun.
I bought chocolates and flowers. Nag pa gwapo ako ng sobra para sayo kaya naman sana magustuhan mo ang porma at mga dala ko.
"Hello love, grabe namiss kita *nilagay ang chocolate at flowers sa tabi mo* anlayo mo kase eh hahaha kumain kana ba love? Gusto mo mag dinner tayo?" Sabi ko at umupo sa tabi ng mahal ko.
Humiga ako at tumingin ulit sa kalawakan.
"Naaalala mo ba nung fifth anniversary natin? Sabi mo na sana hindi ako makahanap ng iba, pano naman ako mag hahanap? Kung para saakin enough ka na?" I giggle.
Saksi ang langit
Saksi ang mga bituin
Saksi ang ulap
Saksi ang buwan
Saksi ang panginoon
Kung gaano kita kamahal pero kinuha ka pa din nya. Tinignan ko ang puntod ng asawa kong isang taon ng wala.
"Sobrang layo mo na love pero di pa din kita makakalimutan. You're perfect as always. Miss ko na yung yakap mo at halik mo love pero wala tayong magagawa kase malayo ka. Hintayin mo ako jan ha? Kapag nagkita tayo ulit yayakapin kita ng mahigpit. Let me stay with you this night love miss na miss na kita"
Saksi ang bituin ang buwan at ang langit
Pero kinuha ka nila saakin para hamunin kung talaga bang mahal kita at hindi na hahanap ng kapalit.||tristan||