Seann's POV
"KASO JOWA KO PINSAN MO" nakaramdam ako ng galit kay mike dahil sa sitwasyon ni Mae, aaminin ko na matagal ko nang gusto si Mae pero may kung ano na pumipigil sakin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay takbo papunta sa isang lugar ng paaralan kung saan kaunti lang ang mga taong nandon.
Habang hawak hawak ko ang kamay niya, nakaramdam ako ng kung anong kiror sa aking dibdiba, Pota! Wag ka umiyak, please.
"S-seann, matagal mo na d-din bang a-alam t-to?" tanong nito sakin habang nauutal.
'shit ayoko mag sinungaling sakanya.'
"O-oo, Mae matagal na" saad ko, nakita ko naman siyang lalong humagolgol sa iyak.
'pasensya na'
"Ba't di mo sinabi sakin? Ba't tinago mo pa!" sigaw niya sakin na may halong sakit at galet sabay hampas saking dibdib at braso.
'sige hampasin mo lang ako, suntokin mo ako, magalit ka sakin, bobo ko e, mahal kita mae at ayokong masaktan ka pero mali desisyon ko'
"A-ayokong m-masaktan ka, Mae" saad ko.
"Nasasaktan na nga ako, Seann hindi mo ba nakikita?" bulyaw niya sakin, niyakap ko naman siya at hinayaan umiyak sa dib dib ko.
"Shh, tahan na pasensya kung di ko agad sinabi sayo" saad ko habang yakap yakap siya, wala nakong pake kung sino makakakita samin dito, basta importante kasama ko ngayon ang taong mahal ko kahit nasasaktan ito.
"Bakit ganon, Seann? Ba't ang malas ko sa pag-ibig? Bakit napakawalang kwenta ko?" sabi nito.
"May kwenta ka, Mae okay? Andito ako oh nagmamahal sayo, Andito lang ako para sayo, Mae" sabi ko at bumitaw naman ito sa yakap ko.
"T-totoong m-mahal m-mo ako?" saad nito.
"Oo Mae, matagal na simula nung 1st year highschool tayo, pero pinipigilan ako ni Mike na umamin sayo, hindi ko alam kung anong dahilan pero ayaw na ayaw niya malaman na mo gusto kita." saad ko.
"M-matagal mo nakong g-gusto?" tanong nito.
"Oo, kahit alam kong gusto mo si mike, di paren ako sumuko sayo dahil alam kong may panahong mapapasakin ka."

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPILATION)
FantasyKung nais mo ng kwentong puno ng ✓Kababalaghan ✓Kalungkotan ✓Pag-iibigan ✓Misteryoso ✓Kasiyahan ✓Kalokohan Ay tiyak napunta ka sa tamang Compilation ng ONE SHOT STORIES! Ang lahat ng mga akdang ito ay kathang-isip lamang, lugar, pangalan, pangyayare...