"Hoy Good Morning!" lilingon pa lang ako nang makatanggap ako ng palo sa likod ko.
"G-Good Morning, Ainah." tumawa siya nang mapansing nasaktan ako sa ginawa niyang pagpalo.
She's my cheerful, energetic childhood friend.
"Hinihintay mo ulit ako noh? Aminin.. Hindi ka naman nal-late sa pagpasok sa klase. Unless hinintay mo talaga ako."
"Asa ka, tara na mal-late na tayo."
.
."Xaimon, kita tayo sa likod ng park sa dating pwesto mayang gabi, 8:30 . May sasabihin ako."
"Ngayon mo na sabihin bakit mamaya pa." binatukan niya ako.
"Gusto ko nga may angal ka? Ha?"
"Sabi ko nga 8:30."
.
."Xaimon, stop this good and responsible student thing. Anong silbe ng pagpunta sa bar kung hindi iinom." inalok niya ang basong may alak. "Take it." kinuha ko ito at binalik sa lamesa.
Tinignan ko ang wristwatch ko, 7:39 pm. "Magkikita kami ni Ainah mamayang 8:30 hindi ako pwedeng malasing."
"Hindi ka malalasing sa kaunting inom." kinuha ko nalang ang inabot niya at ininom ito para matapos.
Pero ang isang baso nasundan ng isa, isa pa, at isa pa until I knocked down.
.
.Paggising ko sobrang sakit ng ulo ko. Saglit– bakit nasa kwarto ko ako? Ang huli kong natatandaan nasa bar ako.
9:47 A.M.
Shit! Hindi ko napuntahan si Ainah!
Nagmadali ako para puntahan siya sa bahay nila. Kilala ko si Ainah, maghihintay talaga siya hangga't hindi ako dumarating.
"Saan ang punta mo Xaimon nagmamadali ka masyado." biglang sumulpot si mama galing sa kusina.
"Pupuntahan ko lang po si Ainah."
Nabitawan ni Mama ang hawak niyang walis at kapansin pansin din ang pag-iba ng ekspresyon niya na kinakaba ko.
"X-Xaimon si Ainah.. Kagabi.. "
"M-Ma.."
"May grupo ng mga lalaki ang umabuso sa kanya."
Kumuyom ang mga kamao ko sa galit at tila hinigop ang buong lakas ko.
Kasalanan ko ito. Kung pumunta ako kagabi hindi mangyayari sa kanya 'yon.
"Saan ka pupunta?"
"Kay Ainah."
"They're on the hospital and visitors are not allowed."
Napaupo na lang ako sa narinig ko. This is all my fault.
.
.She's been absent for 5 days. And I admit it, I missed her. Wala ng makulit na nangungulit sa akin araw araw.
Nang mabalitaan kong nakauwi na siya nagmadali akong umuwi para puntahan siya.
"Xaimon, she's still not ready for visitors. I hope you understand."
"I understand Tita, but is she not allowed to use her phone? I've been texting her since the day I knew what happened but I've got no replies."
She signed. "She's in a total shock. I'll asked her, but for now go home."
"Thank you, Tita."
Umalis ako na tinanaw ang bintana ng kwarto niya umaasang dudungaw siya tulad ng ginagawa niya noon pero walang dumungaw.
Pumupunta ako sa bahay nila araw araw pero hindi pa rin siya handang kumausap ng kahit sino.
Until one day tumawag sa akin ang Mommy niya at sinabing handa na akong kausapin ni Ainah. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
And there, nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Nang makita niya ako ay umupo siya. Binabalot siya ng kalungkutan.
Ibang iba ang Ainah na kilala ko sa kaharap ko ngayon. Ang masayahing Bestfriend ko nasaan na?
"H-Hey Ainah."
"Hmm"
I sat on her bed.
"I'm so sorry. If I've been there, kung pumunta ako sana hindi nangyari sa'yo ito."
Bigla siyang tumingin sa akin.
"Y-You were there."
"I was?"
"Yes."
"Kung pumunta ako hindi dapat nangyari sa'yo ito. Hindi ko maintindihan, ano ba talaga ang nangyari ng gabing yon?"
Kumuyom ang mga kamao ni Ainah na nakahawak sa kumot niya. Nang makita ko ito biglang nakita ko ang mga kamao niyang nakakuyom din ng gabing iyon.
.
."8:19? K-Kailangan ko ng umalis magkikita pa kami ni Ainah."
"Aalis ka na agad? S-Sama kami."
"Bahala kayo."
Natanaw ko si Ainah na nakaupo sa bench. Pagewang gewang pa akong naglakad papunta sa kanya.
Nang makita niya ako agad siyang tumayo. "Anong oras na bakit ngayon ka lang–lasing ka ba? Ha?"
"Hindi ako l-lasing konti lang i-ininom ko."
"Sabihin niyo sa akin, alak lang ba talaga ang ininom ng kaibigan ko? Drugs? May drugs diba?!"
"Easy.. Hindi na bata ang kaibigan mo." hindi ko na narinig ng maayos ang sunod pa nilang pinag-usapan dahil talagang nahihilo na ako.
Kurse grabbed her and pushed onto the wall. They were shouting..fighting. He even slapped Ainah.
I closed my eyes as I suddenly felt so much pain.
When I opened my eyes Ainah was on the floor being harassed by Kurse and the others.
"Xaimon tulong! X-Xaimon tulungan mo ako! Xaimon!"
Sa halip na tulungan siya, nakatulog ako.
.
."H-Hindi.. Imposible..Wala akong nagawa.. I was there pero.. p-pero hindi kita natulungan. Sorry."
"Bakit hindi mo kami tinuro? Bakit hindi mo kami kinasuhan?"
"Do you wanna know what was the thing I wanted to tell you that night?"
She was about to cry.
"I was so excited to tell you na nakapasa ako sa entrance exam na tinest natin. Sa university na pangarap natin. Pero n-nangyari yon."
"P-Pumasa rin ako."
"I know."
Binalot ng katahimikan ang kwarto niya ng ilang minuto.
"Dahil ba sa akin kaya hindi ka nagsumbong?"
Marahan siyang tumango. "Ayokong makulong ka. Hindi ka kasali sa kanila pero alam kong gagawa sila ng paraan para madawit ka. Isa pa nakadrugs ka ng gabing yon. Kahit hindi mo intensyon na gumamit maaari kang makulong."
Tumayo ako at hinawakan ang ulo niya. "Trust me." naglakad ako palabas ng kwarto niya.
"Where are you going?"
"Police Station. Itatama ang mali."
"P-Pero–"
"Kulong na kung kulong, ang mahalaga makamtam mo ang hustisyang nararapat sa'yo."