Third Person's POV
"Licia! Mikayla! Gumising na kayo! Malelate na tayo sa ginagawa niyo!" sigaw ni Eleanor sa dalwang natutulog.
Si Mikayla nasa study table niya habang nakatungo at natutulog habang sa Licia naman nasa walk in closet niya at natutulog sa may upuan roon.
"Yah!! WAKE UP!!" sigaw ni Eleanor na agad namang nagpagising sa dalwa.
"Pwede ba El wag kang sumigaw? Natutulog yung tao." sabi ni Mikayla habang nakatungo pa rin at nakapikit.
"May klase po tayo!! Kaya pwede gumising na kayo!! Umagang umaga ginagalit niyo ako!!" sigaw ulit ni Eleanor.
"Mauna na kayo... Susunod na lang kami." sabi ni Licia habang gumagapang papalabas nung walk in closet niya at nakapikit pa rin.
"BAHALA KAYO SA BUHAY NIYO!" sigaw ni Eleanor bago siya umalis at sinarado ng malakas ang pinto.
Nagulat yung dalwa kaya nagising sila.
"Lagot ka Li. Baka mamaya isumbong tayo kay Alec." sabi ni Mikayla habang nag uunat.
"Wala akong pake. Hindi ako natatakot sa lalaking yon. Tara tulog ulit tayo." sabi ni Licia at literal na gumapang papunta sa kanyang kama habang pagewang gewang kung maglakad si Mikayla papunta sa kama niya.
Hindi rin nagtagal nakatulog na sila ulit.
---
Eleanor's POV
Naglalakad na kaming dalwa papunta sa first class namin ng makasalubong namin sila Xiumin at Sehun.
"Good morning girls." sabi ni Xiumin na ginantihan ko ng ngiti habang kumaway naman si Sharlene.
"Where is Licia and Mikayla?" tanong naman ni Sehun sa'min.
Sigurado ako natutulog ulit yung mga iyon. Mga nagpapuyat kasi.
"Nasa bahay pa. Tulog. Puyat." sagot ko sa tanong ni Sehun.
"I'll go and see them. Sisiguraduhin ko na ring papasok sila. Mauna na kami." sabi ni Xiumin at umalis na silang dalawa.
Wag sana nila madatnan na inaantok pa si Licia kung hindi baka kung ano na lang ang magawa ni Licia doon sa dalawa. Nakakahiya.
"Saan sila pupunta?" biglang tanong ni Kai nakakarating lang kasama si Luhan.
"Sa bahay namin. Susunduin yung mga puyat." sagot ko.
"Excuse me." sabi ni Sharlene at umalis sa tabi ko.
Nakita ko sa hindi kalayuan sila Emerson at Lyndon na pinuntahan ni Sharlene. Iniwan ako para sa kanila? Kakaiba nanaman kinikilos ni Shar.
"Aalis na rin ako, El." sabi ni Kai at kumaway muna bago umalis.
"I thought he'll never leave." sabi ni Luhan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kailangan tayong kausapin ni Henry." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
---
Third person's POV
Dumating sila Sehun at Xiumin sa bahay nila Licia at nadatnan na susubuan sana ni Shin si Licia.
"Minseok!" sigaw ni Licia habang nakangiti.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Shin sa kanila at halatang naiirita.
"Pwede ba Shin tumahimik ka! Natural nandito sila kasi susunduin nila kami. Tanga ka ba!" sabi ni Licia at inirapan si Shin.
"Bakit ba ang taray mo ha?" tanong ni Shin.
"Dahil ayoko sayo." malamig na sabi ni Licia.
Naglakad papaalis si Sehun doon at tumungo sa kusina kung saan nandoon si Mikayla kasama si Alec.
Hindi siya umimik at pinagmasdan lang ang dalawa.
"Pwede ba Alec ako na ang magluluto!" sigaw ni Mikayla.
"Hindi. Ako na ang magluluto." sabi naman ni Alec habang hinahalo yung itlog sa isang tasa.
"Marunong ako magluto at isa pa wala akong tiwala sayo!! Baka mamaya lasunin mo ako!! Kaya ako na!!!!!" sumigaw ng mas malakas si Mikayla kaya binitawan ni Alec ang hawak hawak niyang tinidor at tasa at humarap kay Mikayla.
Lumapit ng lumapit sa kanya si Alec at konti na lang maglalapat na ang mga labi nila kaya agad na nagsalita si Sehun at lumapit sa kanila.
"You can't do that. The real Alec wouldn't do that kind of thing to Mikayla even if he's pissed off." sabi ni Sehun at hinila papunta sa likod niya si Mikayla.
Walang nasabi ni si Alec at nagtitigan lang silang dalwa hanggang sa dumating si Shin.
"Alis na tayo Alec. Baka may mangyari pang masama kung magtatagal pa tayo dito. Bye Mikayla, kita na lang tayo sa school." sabi ni Shin.
Agad namang umalis si Alec at sabay noon ang pagbitaw ni Sehun kay Mikayla.
"Next time push the guy away if you don't want what he's doing." sabi ni Sehun at kinuha yung tasa at tinidor at tinuloy ang kaninang ginagawa ni Alec.
"Go and get ready we'll leave after you eat breakfast."
"Sinong may sabi na utusan mo ako?!" sabi ni Mikayla habang nakapamewang.
Humarap sa kanya si Sehun tinitigan ng masama.
"Just do it or else---" hindi natuloy ni Sehun ang sasabihin niya ng putulin ni Mikayla ang pagsasalita nito.
"Wag mo ng ituloy iyang sasabihin mo!!! Maliligo na ako!!!" sabi ni Mikayla at umalis na agad.
'I was about to say "or else I won't cook for you",what was she thinking?' sabi ni Sehun sa utak niya pero napangiti rin siya dahil kay Mikayla.
BINABASA MO ANG
Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)
FanfictionIt's all about their dares that changed their lives forever.