Chapter 38

7 4 0
                                    

Isha Karmela Montes

After 3 years


"Anak sure ka na bang doon ka magtuturo?" Nag-aalalang tanong ni papa sa akin habang hawak hawak ang bowl na may lamang kanin

"Oo naman pa, bakit naman ako mag-hesitate na magturo sa finn college?" Sagot ko sa kaniya

Ngumiti at umiling si papa
"Nag-aalala lang ako sa iyo anak... iniisip ko kasi na baka hindi ka makapag-concentrate kapag--"

"Papa, maayos na ako... isa pa kaya ako sa finn college magtuturo is for experience only. Kapag naka-dalawang taon na ako sa isang private institution, pwede na akong makapagturo sa public" ngumiti ako ng abot tainga para makumbinsi si papa na ayos lang ako

"Hays nako ate! Ang inaalala lang naman ni papa, ay baka kapag nagturo ka doon mga memories niyo lang ni kuya ralph ang maala--- PAPA NAMAN!" Hindi na natapos ni brent ang sasabihin niya dahil binato siya ni papa ng kutsara at tumama iyon sa pisngi niya

"Mas lalo mo lang pinapaalala eh!" Tapos ay sabay silang tumawa

Tatlong taon ang lumipas, akala ko ay hindi kami makakaahon sa sobrang kalungkutan dahil sa pagkawala ni mama. Si papa ay muntik ng malulong sa pag-inom ng alak, at si brent ay bumaba ang mga marka pero lahat iyon ay nalampasan namin.

Nang maka-graduate ako ay agad akong nag board exam pero hindi ako nakapasa kaya napag-desisyunan kong mag punta sa review center sa batanes para doon tutukan ang pagrereview dahil desidido talaga akong maging guro

Nang umalis ako ay aminado akong marami akong naiwan... at isa na siya doon. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra sa ginawa kong pag-alis ng wala man lang maayos na pamamaalam, pero iyon lang ang alam kong tamang gawin dahil alam kong kapag sinabi ko sa kaniya ng harapan ay pipigilan niya lang ako. At alam kong hindi ko rin siya matitiis, kaya mas pinili ko na lang na mag-iwan ng liham.

Masakit para sa akin na umalis at iwanan siya. Biruin mo, ang ayoko sa lahat ay ang naiiwan pero ako itong nang-iwan sa kaniya sa huli. Pero iyon lang ang tanging paraan, para mahanap ko ang sarili ko. Naisip ko lang kasi simula nung masaktan at maloko ako ng dalawang beses, hindi ko mahanap at makilala ang sarili ko.

Sabi nga nila everything starts with loving yourself. Hindi mo magagawang magmahal ng totoo sa iba, kung hindi mo magawang mahalin ang sarili mo. Sa tatlong taon na nawala ako, yes I am fine now. Masaya ako dahil nahanap ko na ulit ang sarili ko, nabigyan ko ng oras ang sarili ko pero may kulang... dahil alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko

Nakapasa ako sa board exams at nag-apply ako sa finn college. Sabi kasi nila kapag nakapasa ka na dapat ay pumasok ka na muna sa private school for experience, at kapag naka-dalawang taon ka na ay pwede ng magturo sa public. Nang una ay nag-aalangan din akong sa finn college magturo, dahil alam kong makikita ko siya doon. At tama si papa at brent, maaalala ko ang mga memories namin doon



Alas singko na ng hapon at bumisita sa bahay sila jasmin at kc, gusto daw nilang magcelebrate dahil after I tried two board exams ay nakapasa na ako. Sila kasi ay maagang nakapagturo dahil napasa agad nila ang exams ng walang review review, kaya nahuli ako

"Saan naman tayo mag-celebrate?" Tanong ko sa kanila.

Si kc ngayon ay lalong gumanda at tumangkad, halata mo na sa kaniya na teacher siya sa unang tingin pa lang dahil sa awra niya, nakasuot siya ngayon ng white spaghetti strap at denim pants matching white sneakers

Si jasmin naman ay lalo rin gumanda, pumuti... at medyo nadagdagan ang timbang niya pero bumagay naman sa kaniya at mas nagmukha siyang mature. Naka dress siya ngayon na kulay blue at silver pumps

My FateWhere stories live. Discover now